14 - The stars were soft
Cepheus POV
"I hate being a Salvatore" bulong ko saka humiga sa sofa.
"Aww, itanan nalang kita." Sabi naman nitong si Ara saka pumatong sa akin at binaon ang mukha sa leeg ko.
Umupo naman si Dwayne at Bain sa magkabilang single couch habang si Ezekiel on the road pa daw.
Kasalukuyan kasi kaming nasa gaming house namin dahil tinawagan ko sila. My dad already knows I'm a licence racer and he did not like it as expected.
He scolded me and told me to quit kaya habang nagsesermon siya ay nilayasan ko na siya.
He didn't even listen to me, basta nang malaman niya na nakapasa ako sa tryout ay nagsimula na siyang mang-sermon.
Hindi ko nga malaman bakit ba ang init ng ulo niya when it comes to that stuff e dati din naman siyang licensed racer. Yes, my dad is a racer but bike racer siya.
"Hala huy bakit ka lumuluha?" Nag panic naman itong si Ara kaya kumunot ang noo ko. Pagmulat ko ng mata ko ay nakaramdam ako ng kung anong tumutulo sa pisngi ko.
Tangina, bakit ako lumuluha?
"Hala shit, mabigat ba ako? Huy, sorry na. Ito na aalis na, 'wag ka lang umiyak." Tumayo siya kaya umupo ako. Pinunasan ko ang luha ko habang itong tatlong mokong na ito ay nag panic na.
"Hala ka, pinaiyak mo. Tissue!"
"Ano bang nangyari? Did Tito hit you ba?"
"Kalma lang, ang OA nyo naman eh. Hindi ako umiiyak, hindi ko nga alam bakit ako lumuluha." Pagdipensa ko sa aking sarili.
Inabutan naman ako ni Ara ng tissue na ginamit ko rin agad para mapawi ang luha ko.
"First time kong makita kang umiiyak. In all fairness pogi ka pa din-aray!! Hoy masakit 'yon Bain, ha!" humagikhik ako sa sinabi ni Ara at sa paghampas ni Bain sa ulo niya.
"Tangina neto, umiiyak na nga yung tao nilalandi pa. Di hamak namang mag pogi ako dyan kapag umiiyak-hoy!! Bakit mo ako kinutusan?" Reklamo naman niya nang kutusan siya ni Dwayne.
"Umayos nga kayong dalawa, down na iyong tao e." Saad naman nito saka tumingin sa akin.
"So anong problema ba? Libreng mag share, you know. We're friends here, kami ang kasangga mo kapag kailangan mo ng tulong." Parang natunaw ang puso ko sa kanyang sinabi kaya ngumiti ako.
"Oo nga, tayo-tayo lang din ang magdadamayan sa huli pero syempre kapag hinabol tayo ng aso, bahala na kayo diyan basta ako aakto nalang ding aso- hoy nakakadalawa kana ha!" Binatukan muli ni Dwayne itong si Bainsley at nahulog pa nga ito sa kinauupuan niya dahil sa lakas ng hampas.
"Magseryoso ka kasi" saad ni Dwayne pero maging siya ay natawa. Nahawa naman itong ni Ara at tumawa na rin. Natawa naman din ako dahil kung tumawa itong si Arabella ay parang hindi makahinga.
YOU ARE READING
Our Beautiful Constellation
Storie d'amore☯ FUTURE YBAÑEZ SERIES ✪ SALVATORE SERIES • Slow Burn • Unedited Cephues Salvatore, a millionaire who married a billionaire for convenience, soon discovers herself entangled in a chaotic world she never anticipated. What started as a practical arr...