Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakaupo sa gilid ng kama niya. Para akong estatwa na hindi humihinga, hindi kumikilos at takot na baka sa kahit maliit na galaw ko, mawala siya ulit.
Then that sound...
BEEEEEP. BEEEEP. BEEEEEP.
Naramdaman kong nanigas ang buong katawan ko. I froze. For a second, I thought the monitor was warning me na titigil na ang puso niya. Pero nang makita kong bumagal at nag-stabilize ang graph, saka lang ako nakahinga nang kaunti.
"Elio..." mahina kong sambit habang lumapit ako, para bang 'yung pangalan niya ang tanging tali na nag-uugnay pa sa 'kin sa mundo.
The doctors and nurses rushed in. Parang kinain ng kaguluhan ang buong kwarto-may sumisigaw ng vitals, may nag-aabot ng mga gamit, may nag-aayos ng mga tube.
Gusto kong lumapit agad pero may humarang na nurse. "Sir, please. Don't interfere. We need space."
Pero hindi ko na kayang maghintay. Wala na akong pake. Tinabig ko lang ng marahan ang braso ng nurse at lumapit hanggang sa abot ng kamay ko ang kamay ni Elio na halos walang buhay pero mainit pa rin.
"Baby..." bulong ko, halos hindi na boses kundi parang buntong-hininga. "Kung naririnig mo ako... I'm here. Nandito ako."
Pinikit ko ang mga mata ko nang maramdaman kong gumalaw nang bahagya 'yung mga daliri niya. Gusto kong sumigaw pero natakot akong mag-akalat ng ingay.
"You came back... F*ck, you came back," halos pabulong pero garalgal na sabi ko. "Akala ko hindi na kita maririnig ulit... Akala ko hindi mo na ako mararamdaman ulit."
Kumapit ako nang mas mahigpit sa kamay niya, parang doon nakatali ang buhay ko.
"I waited for you, Elio... hindi ako umalis. Hindi ako natulog. Hindi ako huminga nang maayos dahil sa takot na hindi na kita makikita," sabi ko, habang ramdam ko na naman ang init ng luha na pilit kong pinipigilan.
I lowered my head, resting my forehead against the back of his limp hand. "I'm sorry. Dapat mas maaga akong nakarating. Dapat mas naging matalino ako. Dapat mas nilaban kita. Tangina... I'm sorry."
Nanginginig ang boses ko, nanginginig ang buong katawan ko, at sa bawat tibok ng puso niya na naririnig ko mula sa monitor ay parang tinatadtad din ang puso ko.
"Stay with me, please," bulong ko. "Don't leave me again... I can't lose you."
Pero bago ko pa man masabi ang iba, napansin kong nag-iba ulit ang tunog ng monitor.
"Doctor, he's going into distress!" sigaw ng nurse.
"Clear the line! Prepare sedation!"
Nakita kong pumipikit ulit si Elio, parang nilalamon ulit ng dilim. "No... no, no, baby-stay with me!"
Sinubukan kong hawakan pa ang kamay niya pero inawat ako ng dalawang nurse. "Sir, please. Kailangan naming i-monitor siya ulit. Kailangan ninyong lumabas."
"NO! Don't touch him!" sigaw ko, halos mapunit ang boses ko. Pilit kong inabot ulit ang kamay ni Elio, pero hinarang ako ng doktor.
"Kiernan," marahas pero mahigpit na tawag ni Duke habang hinahatak ako paatras. "Kailangan mong lumabas. Hayaan mo silang gawin ang trabaho nila."
"Let go of me! Don't f*cking touch me!" Sigaw ko habang nagpupumiglas, halos mabali ang mga daliri ko sa paghila. "Hindi niyo siya puwedeng iwan diyan! Hindi niyo siya puwedeng-"
"Bro, please..." boses ni Duke, mabigat at nanginginig din. "We'll stay right here. Just... please."
Naramdaman ko 'yung mga kamay ni Lenora na pumipigil din sa akin mula sa gilid. "Kiernan..." bulong niya habang umiiyak. "Hayaan mo muna sila. Please..."
BINABASA MO ANG
IKIGAI Series #1: Estranghero
Romans[1st Series under IKIGAI] Elio Maze Inoue is a bubbly and optimistic, with an infectious energy that draws people to him. He also have that bright, expressive eyes that sparkle with enthusiasm. While in a physical manner, he has this curly or wavy h...
