22

4.5K 101 16
                                        

A/N: Don't forget to FOLLOW and VOTE guys. For more updates and interaction, you can add my fb account namely (Stateofjeaz Wp).

_____________________


"Hey... Elio?"

N-no, it's not true. K-kiernan, where are you? I will fucking kill you when-

"Elio, gising!"

I literally gasp when I finally opened my eyes at tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni... Deimos?

Nagising akong hingal na hingal. Kinapa ko ang katawan ko at naramdamang basa na ng pawis ang noo at school uniform ko. Parang nilubog sa tubig ang katawan ko. Tiningnan ko agad ang paligid-madilim na. Tinanggal ko ang headphones na nakasabit sa ulo ko na wala ng tunog.

Dead batt na rin ang phone ko nang sipatin ko ito. Niyakap ko ang bag ko habang pilit inaayos ang paghinga ko.

"Shit," bulong ko habang pilit inaalala kung anong nangyari.

Napalingon ako kay Deimos na ngayon ay hindi pa rin maalis ang nag-aalala niyang mukha. Yung lalaking nakausap ko noon sa may beach and the one that I bumped sa mall.

"Uy, okay ka lang ba?" tanong niya, may bakas ng pag-aalala sa mukha. "Kanina ka pa nanginginig."

Napatulala lang ako. Parang multo ang nakita ko. Hinawakan ko ang braso ko. Kinurot ko. Damn it, masakit. Bakit ko ba ginawa yun?

Totoo ba 'to? Or panaginip na naman?

"Why are you he-?" Hindi ko natapos ang tanong.

"Galing ako sa loob," sagot niya. "May pinakuha lang si Dad na gamit niya sa loob. Teacher siya sa senior high. Paalis na sana ako, pero may narinig akong parang mahihinang ungol malapit sa waiting shed. Ayun, nakita kita. Akala ko lasing ka o ano."

Napahiya ako bigla. "Shit..."

"Nakakatakot 'yung itsura mo kanina. As in, akala ko may multo o something," biro pa niya kahit halata sa mukha niyang concerned talaga siya.

"T-thanks," mahinang sagot ko habang pilit tinatanggap ang lahat. So... it was all just a dream? Yung babae... yung sinabi niya... yung engagement... ang sakit pa rin kahit panaginip lang pala. Hinawan ko pa ang gilid nang mata ko nang maramdamang totoo ang luhang pumatak mula doon.

"Gusto mong ihatid kita?" alok ni Deimos. "Delikado na rin maglakad mag-isa."

At first, aayawan ko sana. Pero nang silipin ko ang phone ko-ayun, black screen. Wala na. Tapos wala ring ibang sasakyan sa paligid. I was hoping Kiernan is just right in the corner but I didn't see any trace of him.

Where the fuck is he ba? 'Di man lang nag-inform na hindi ako susunduin. Ngayon hindi na tampo ang nararamdaman ko. Galit na ako sa kaniya.

"Okay," bulong ko. "Thanks ulit."

"Okay, good. Let's go?". Tumango naman ako at sumunod sa kaniya papunta sa sasakyan. Balak ko sanang umupo sa likurang bahagi nang pinagbuksan ako nito ng pintuan sa harap. Wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kaniya.

Kinalaunan ay tuluyan na rin kaming umalis doon.

Tahimik kami nung una habang binabaybay ang daan papunta sa condo. Pero si Deimos, he kept trying to start a light convo. Tinatanong niya ako kung okay lang ba talaga ako. Sinagot ko naman siya kahit na medyo nahihiya pa ako. I can still remember kung paano niya ako naabutan kanina na nasa ganoong sitwasyon.

Until...

VROOOMMMM!

"Putangina!" mura ni Deimos sabay busina. "Ano ba 'yon!?" Halos masagi kami ng isang sasakyang nag-overtake sa kanan.

IKIGAI Series #1: EstrangheroMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon