[VOTE, COMMENT, FOLLOW]
I went straight to the bedroom nang makauwi at matapos mahatid ni Kiernan. Hinubad ko ang coat niya na nasa balikat ko at ibinato sa gilid ng couch.
Pabagsak kong ipinuwesto ang katawan ko sa kama. Ramdam ko pa rin ang sakit ng balakang ko. Ramdam ko ang pagod, hindi lang sa katawan, kundi pati sa utak. Sa puso.
Nakapikit lang ako habang nakahiga. Nakatalikod sa pinto ng kwarto ko, at nakayakap sa isang unan.
Hindi ako umiiyak pero hindi rin ako matahimik. There was just... noise nside my head na parang nagsisiksikan at nag-uumpugan sa isa't-isa.
The weight of my limbs, the soreness in my muscles, it was all a reminder of what happened.
What I allowed to happened.
And the moment flashed back again-his lips, his voice, his eyes that were too soft for someone who hurt me this much.
Napakagat ako sa labi. Bakit? Bakit ko hinayaan?
But aside from that thought is the thing that Kiernan said earlier. That I was drugged. Napailing ako at binaon ang mukha sa unan tsaka frustrated na napasigaw. What the facts is wrong with me?! I should've known in the first place the intention of that jerk. Pero dahil ang laki kong tanga, ay wala pa rin akong nagawa. Paano nalang if Kiernan wasn't there to save me. Yeah, paano nalang.
May tao akong pinili. Isang taong kahit papaano, sinubukan akong mahalin nang buo. And yet, here I am.
Nakauwi galing sa bisig ng taong ilang taon kong sinubukang kalimutan. Tumingin ako sa kisame.
Sa sobrang tahimik ng kuwarto ay tanging naririnig ko ay ang mahinang humming ng air conditioning sa kwarto ko. Pero sa loob ko... gulo.
Hindi lang dahil kay Miguel. Hindi lang dahil kay Kiernan. Pero dahil sa sarili ko. I feel dirty. Not physically but inside. Parang hindi ko na kilala sarili ko.
I tried to justify it.
I tried to tell myself na I was drunk, that it was the heat of the moment, na walang pilitan, na nagdesisyon din naman ako.
Pero kahit anong rason, it doesn't take away the fact that something happened. Something that shouldn't have.
Not while I was still in a relationship. Not while I haven't ended things with Miguel.
Niyakap ko nang mas mahigpit ang unan. Binaon ko ang mukha ko rito.
"Ang tanga mo, Elio," mahina kong bulong.
Gusto ko lang bumalik sa dati. At alam kong hindi ko kayang magkunwaring andito ako nang walang nararamdaman.
Hindi ko kayang magpanggap kay Miguel.
At mas lalong hindi ko kayang paniwalaan ang sarili ko na wala akong ginawang mali.
Madilim na sa condo pero hindi ko pa rin binubuksan ang ilaw.
Gusto ko lang ng ganito, yung parang wala ako sa mundo, kahit isang gabi lang.
Hindi pa rin ako nakakagalaw mula sa pagkakahiga. Parang lahat ng bigat ng buong buwan, buong taon, buong relasyon... bumagsak sabay-sabay sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
IKIGAI Series #1: Estranghero
Romance[1st Series under IKIGAI] Elio Maze Inoue is a bubbly and optimistic, with an infectious energy that draws people to him. He also have that bright, expressive eyes that sparkle with enthusiasm. While in a physical manner, he has this curly or wavy h...
