29

3.1K 83 6
                                        

[VOTE, COMMENT, FOLLOW]

I opened my eyes slowly nang tila gusto ng sarili ko na magising na mula sa hindi ko alam kung gaano kahabang pagkakatulog.

Medyo hindi nabigla pa ang mata ko sa liwanang ng buong room. I thought, uulit na naman ang magulong paligid na siyang bubungad sa akin but I was wrong. This time ay mas malinis na 'yung paligid, wala na 'yung tunog ng gulo, wala na 'yung hilong parang lumulutang ako sa kawalan. This time, I was grounded. This time... I was awake.

And the first thing I saw was her.

My mother.

Yung mukha niya, halos ilang pulgada lang ang layo sa akin. Pulang-pula ang mata na para bang kakagaling lang sa pag-iyk. Hawak niya ang kamay ko, mahigpit, para bang kapag binitiwan niya ako, baka mawala na naman ako.

"Mom..." mahina kong sambit. Halata ang paos at parang gasgas sa boses ko sa tono ng pananalita. Parang ilang taon akong hindi nagsalita.

Napasinghap siya.

"Elio?" Nanginginig ang boses niya. Napaluhod siya agad sa gilid ng kama habang hinahaplos ang pisngi ko. "Anak... anak ko..."

Naiiyak siya ng sobra. And me? As soon as I saw her face-I broke. Lahat ng sakit, lahat ng takot, lahat ng iniipon kong lakas sa panaginip, parang wala. Kasi ngayong nakita ko si Mommy, ngayon lang ulit ako huminga nang buo.

"Mom..." I whispered again while tears instantly pooling in my eyes.

Niyakap niya agad ako. Dahan-dahan lang na para bang may pag-iingat na baka ay natatakot siyang baka mabasag ako kung masyadong mahigpit. I could feel her chest shaking against mine.

"Akala ko mawawala ka na..." bulong niya. "You made me panic so easily, baby. Don't ever do this again. I can't handle it."

I wanted to hug her back, pero ang hina pa ng katawan ko. I just closed my eyes and let her cry on my shoulder. Then I heard another sniffle.

Pagtingin ko sa paanan ng kama, andun si Ivelle. Nakaupo siya sa stool na parang ilang araw nang hindi umuuwi. Nakatulala siya sa akin, pero punong-puno ng luha ang mata.

"Ang OA niyo naman," bulong ko, pilit ngumiti just to lighten the mood a little bit. "Bakit kayo umiiyak? Hindi pa naman ako patay."

"Huwag ka ngang magbiro ng ganiyan!" niiyak na saway ni Ivelle habang marahas na pinapahiran ang luha niya.

"Eli, you words!" suway ni Mommy na ikinatikom ng bibig ko. Okay, I should have never said that.

I looked to the side and saw Joshua.

Tahimik pa rin siya, as usual. Pero this time, may luhang bumagsak sa pisngi niya kahit hindi siya umiiyak nang malakas.

"Hi, Josh..." mahina kong sabi.

Tumango siya, sinapo ang mukha at pinunasan ang mata.

"I'm glad you're back," bulong niya.

I wanted to laugh. I wanted to cry. Parang may malaking kulang sa loob ko at sa dami ng nararamdaman ko, hindi ko alam kung alin ang uunahin.

"Do I look still the same as before?" tanong ko, pilit pinapasaya ang boses ko.

Mom chuckled through her tears, brushing my hair back. "Medyo payat at maputla. Pero pogi pa rin naman."

I smiled.

"Mom... ilang araw na ba akong tulog?"

Natigilan siya. Nagkatinginan silang tatlo na para bang may mali sa tinanong ko. Saglit na katahimikan ang namayani sa silid.

IKIGAI Series #1: EstrangheroMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon