[1st Series under IKIGAI]
Elio Maze Inoue is a bubbly and optimistic, with an infectious energy that draws people to him. He also have that bright, expressive eyes that sparkle with enthusiasm. While in a physical manner, he has this curly or wavy h...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A/N: No words can replace how thankful and grateful I am sa success ng kuwentong ito huhu. I want to thank ya'll especially my dear readers. Starting this story in 2024, now finally closes its very final chapter. Maraming salamat sa pagbabasa. Naway magkita-kita tayong muli sa pangalawang istorya. Mahal na mahala ko kayo! <33
________________
SPG AHEAD! ⚠️
Huminga ako nang malalim habang nakatitig sa repleksyon ko sa malaking salamin. Halos hindi ko makilala ang lalaking nakatayo sa harap ko. Ang dating payat na lalaking walang ibang ginawa kundi mag-bike sa seaside, ngayon ay suot ang isang pasadyang cream-white tuxedo na gawa sa pinakamahusay na tela. Ang bawat tahi niyon ay tila sumisimbolo sa pagbubuo muli ng nawasak kong pagkatao noon.
Six years. Anim na taon ang lumipas bago kami muling pinagtagpo ng tadhana. Akala ko noon, ang dagat na naging saksi sa pagkikita namin ni Kiernan ang siya ring magiging libingan ng lahat ng alaala namin. Pero heto ako ngayon, ikakasal na sa kaniya.
"Elio, anak..."
Napaigtad ako nang bahagya at lumingon sa pintuan. Naroon si Mama, si Arrianne Inoue. Napakaganda niya sa kaniyang dusty blue gown. Pero ang mas kumuha ng atensyon ko ay ang paraan ng pagtingin niya sa akin na puno ng pagmamalaki, ngunit may halong lungkot na tanging isang ina lang ang makakaramdam.
"Mom," tipid akong ngumiti, ramdam ang pamamasa ng mga mata ko.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Inayos niya ang bahagyang tabing na bowtie ko. Ang kaniyang mga kamay ay bahagyang nanginginig.
"I can't believe this day has finally come," panimula niya, ang boses ay sadyang malambing. "Parang kailan lang, umiiyak ka sa kuwarto mo dahil akala mo ay tuluyan mo nang naiwan ang puso mo sa nakaraan. But look at you now. You survived the storm, Elio. And you came out stronger."
Yumuko ako, pilit pinipigilan ang luha. "Ma, baka masira ang makeup ko. Masasayang ang bayad natin sa HMUA," biro ko para gumaan ang atmospera, pero mas lalo lang siyang ngumiti.
"You look ethereal, anak. Your father... si Hikari... alam kong narito siya ngayon," sambit ni Mama na naging dahilan ng paninikip ng dibdib ko. "Alam kong kung buhay ang Daddy mo, siya ang unang-unang papalakpak kapag naglalakad ka na sa aisle. He would be so proud of the man you've become. Isang mapagmahal na anak, at isang matapang na ama kay Kio."
Sa pagbanggit niya sa pangalan ng mga anak ko, tuluyan nang may tumalong luha sa mga mata ko. Kio. Ang panganay ni Kiernan na minahal ko bilang sariling akin mula nung mawala ang kaniyang biological mother.
"I miss Dad," bulong ko. "Sana nakikita niya 'to."
"He is seeing this, Elio. He's in every wave of the sea outside. He's in the wind. At higit sa lahat, nasa puso mo siya," sabi ni Mama bago ako hinalikan sa noo. "Tandaan mo, hindi ka na 'estranghero' sa buhay na ito. You have a family. You have Kiernan."