19

7.5K 122 33
                                        

[VOTE, COMMENT, FOLLOW]

"Omygad, omygad, ang cute niyong dalawa!!" Nakaririnding sigaw ni Ivelle after he forced Joshua and me to do the Kim Seon Ho smile challenge before kami umalis kanina. Nagkaroon kasi kami ng picture taking bago kami umalis kasama ng mga kaibigan ni Kiernan. Ang solid nga nilang kasama eh. I wish we could get along soon or this coming Christmas break.

"Do that in front of me later too." Sabat ni Kiernan na nagmamaneho ng sasakyan. Naiiling na lamang ako habang natatawa. Kung makaasta akala mo ay hindi naglasing at nagwala kagabi. Akala ko nga ay makakalimutan na niya ang nangyari kagabi but I was wrong. Buong-buo iyon at walang tinirang detalye nang magising siya kanina. 

I somehow felt quite ashamed for all of those exchanges of words that we shared last night. I can still recall in my head the way he immediately said sorry to me. Binabalak ko ngang hindi siya kausapin o kibuin pero ang hirap lalo na’t unang bukas ko ng mga mata ko ay siya agad ang bumungad sa akin.

Muntik ko na nga yun masapak kanina kasi sino ba naman ang hindi magugulat na may kung anong baliw na nakatitig sa ‘yo habang natutulog. We’re on our way para umuwi and it’s currently 1 pm in the afternoon. Buti nalang ay naka ac ang kotse ni Kiernan dahil sobrang tirik na tirik ang araw sa labas. 

“Post ko ‘to sa tiktok ko ha,” Saad ni Ivelle. Nagreklamo pa si Joshua sa kaniya while ako ay nag thumbs up lang. Okay lang naman sa akin, ang sarap ko kaya dun.

Nag drive thru muna kami nang may madaanan kaming fast food resto. 

“Subuan mo ako,” lintanya ni Kiernan habang nakatingin pa rin sa daan. Napatigil naman ako sa pagbubukas ng meal ko. Oo nga naman, how could I forget this one. Bumaling muna ako sa mga kaibigan ko sa likod at nakitang tahimik ang mga itong kumakain. Basta talaga pagkain yung nakasiksik sa bunganga ni Ivelle ay parang anghel kung tingnan.

Kaagad kong kinuha ang fried chicken and pinch a bite size. 

“Nganga,” He smirk at binuka ang bunganga niya. Napalunok ako nang makita ang mapupula niyang labing dumampi sa daliri ko. Tangina nito, alam kong sinadya niya ‘yun eh.

“It’s delicious,” Hindi ko siya pinansin. Kumuha naman ako ng iilang fries at pinuwesto ulit ang kamay ko sa bunganga niya. He understood it at binuka ulit iyon. Nang malapit nang maubos ang fries sa kamay ko ay plano ko sanang ilayo kaagad ang kamay ko pero hinabol ng ulo niya ang daliri ko at dinilaan iyon.

“Ang dugyot mo talaga,” Gulat na saad ko pero parang patay malisya lang ito sa ginawa. Naiiling kong kinuha ang softdrinks na inorder namin kanina at pinainom iyon sa kaniya.

Nagpatuloy kami sa biyahe hanggang sa tatlong oras na ang nakalilipas. Nasa harap ako, katabi si Kiernan na nagmamaneho. I check the back seat , sina Joshua at Ivelle, parehong nakatulog na. Si Ivelle, nakabuka pa ang bibig at hawak-hawak ang neck pillow niya na may pormang unicorn. Si Joshua, naka-headphones, bahagyang nakayuko habang nakasandal sa bintana.

Nang masigurong okay sila ay bumalik ulit ang tingin ko sa daan. Napahinga ako ng malalim. I just realize na we are going back to normal again. This will be one of my most memorable birthdays ever. Last year, it’s was just the three of us pero ngayon ay nadagdagan na ang mga kaibigan ko.

Napaigtad ako nang bumaba ang isang kamay ni Kiernan at pinatong iyon sa kamay ko. Pinisil niya iyon na para bang nagtatanong kung anong problema. I just smiled at him at umiling. Kinalaunan ay pinuwesto niya na rin pabalik ang kamay niya sa manibela.

Napatingin ako rito nang may kinakalikot sa stereo niya.

“Go find a song to play,” anito. Tumango naman ako at madali siyang sinunod. Hindi ko naman alam nag music taste niya kaya yung gusto ko nalang ang sinunod ko. Since it's a touch screen, I instantly searched for BMW and hit the play button. Agad na umariba ang beat nito sa buong sasakyan na may katamtamang lakas lang. I’m sorry for my taste in music, okay?! Puro mga igop trips nasa spotify playlist ko eh. 

IKIGAI Series #1: EstrangheroMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon