32

3.2K 72 3
                                        

[VOTE, COMMENT, FOLLOW]

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa loob ng silid. Sa mga minutong iyon ay walang nagsalita at limitado lang ang bawat galaw na kanilang ipinapakitan.

Ang naririnig lang ay ang mahinang tunog ng aircon at ang paminsang pag-scratch ng ballpen ni Ma’am Lorena sa yellow pad na hawak niya. Siya ang guidance officer, pero parang siyang judge ngayong araw na ‘to. Nakaka-intimidate lahat ng mga taong nandirito kaya mas lalong namamawis ang mga kamay ko sa kaba.

Nakaharap kami lahat sa mahabang conference table.

Sa kabilang side ay nandun sina Miguel at ang apat niyang kasama. Mukhang naayos na nila ‘yung uniform nila pero may mga pasa pa rin sa mukha, lalong-lalo na si Miguel na may bahid pa ng dugo sa gilid ng labi.

Sa side ko naman ay ako, si Joshua, si Ishaan, at sa gilid pa, naroon ang ilang mga estudyanteng saksi. Tahimik silang naka-upo, waiting to be asked for their turn.

Si Sir Rodel, nakatayo sa likod ni Ma’am Lorena, parang bodyguard.

Then finally, she spoke.

“Elio,” tawag niya with a calm voice but clear. “Tell us what happened.”

Huminga ako ng malalim. Kinabahan ako kahit alam ko namang wala akong ginawang masama.

I looked down for a moment, then looked up.

“I just came out of the CR,” I started. “I was heading back to the cafeteria when I saw them outside.”

Tumingin ako kay Miguel. Hindi siya umiwas ng tingin, pero ramdam kong hindi na kasing tapang ang dating hawak niyang kumpiyansa.

“They started making fun of me,” I continued. “They called me names. They said… things about me. About being gay.”

I stopped for a second. Kinagat ko ang loob ng bibig ko para hindi manginig ang boses ko.

“One of them said I should suck them off. That I’d probably enjoy it,” I said, voice almost shaking.

May narinig akong mga estudyanteng napasinghap.

Ma’am Lorena nodded, her face unreadable. “And then?”

“I punched him,” I admitted. “Because it was too much. I couldn’t take it anymore.”

“At pagkatapos nun?” tanong ni Sir Rodel.

“They held me. Miguel punched me in the stomach. They kept insulting me. One of them even said they’ll ruin my face.”

“And that’s when Ishaan arrived,” dagdag ni Joshua, kahit hindi pa siya tinatanong.

Tumango si Ma’am Lorena. “I see.”

Lumingon siya sa mga saksi. Isa-isa silang nagsalita. Isa-isa nilang kinumpirma ang kwento ko. Yung iba, may sariling anggulo. May nakarinig. May nakakita. May gumitna. Pero lahat sila ay pare-pareho ang sinasabi.

It wasn’t self-defense from their side. It was harassment, bullying and most of all is abuse. Pagkatapos ng mga statements, silence came across. Si Miguel naman ay hindi pa rin nagsasalita not until nang bigla siyang tumayo.

“You don’t know what he’s like,” sabi niya. “Akala niyo siya lang ang biktima? Ako rin, nasaktan. Nasuntok ako.”

“Yes,” sagot ni Sir Rodel. “And you’ll be accountable for every word and action before that punch.”

“E lalaki rin ako, sir!” halos pasigaw niyang dagdag. “Hindi naman sa... galit ako sa bakla, pero ‘wag naman akong gawin tanga ng taong 'yan. Inagaw niya si Reize sa akin! Nilandi niya!”

IKIGAI Series #1: EstrangheroMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon