42

5.5K 86 32
                                        

[VOTE, COMMENT, FOLLOW]

Pagbalik namin sa loob ng ancestral house, una kong napansin si Kio na agad tumakbo palapit kay Kiernan nang makita kami. Nakaawang ang bibig niya na parang hindi siya makahinga sa tuwa, bitbit pa rin ang shark plushie niya, at bago pa siya tuluyang makarating sa daddy niya ay nakataas na ang dalawang kamay niya, naghihintay na buhatin.

Kiernan crouched down at sinalubong ang anak, hinayaan siyang kumapit sa leeg niya na para bang ayaw nang bumitaw.

“Hey, buddy,” bulong niya habang marahang hinahaplos ang buhok ng bata. “Were you good while I was away?”

Tumango si Kio na may bahagyang pout, at saka nagreklamo, “Too long, Daddy.”

Kiernan chuckled softly at hinalikan ang sentido ng anak. “I’m sorry, Kio. Daddy just needed to talk to Mister Elio. But I’m here now.”

Sa tabi ko, nakatayo ako, pinapanood silang dalawa. Sa bawat yakap ni Kio sa daddy niya, ramdam ko ang mas lalong bigat ng desisyong kailangan kong gawin. Alam kong hindi lang ako ang tatamaan kapag pumili ako—may batang nakatali sa puso ng taong mahal ko pa rin.

“Daddy, can we go home now?” tanong ni Kio, nakasandal ang ulo niya sa balikat ni Kiernan, boses niya parang bulong na may halong pagod.

“Not yet, buddy,” sagot ni Kiernan habang nakatingin kay Kio, tapos ay nag-angat ng tingin sa akin. Sa ilang segundo na nagtama ang mga mata namin, ramdam ko ang bigat ng hindi masabi. Hindi kami nagsalita pareho, pero alam kong pareho naming iniisip ang naging usapan namin sa hardin kanina.

Huminga ako nang malalim at nilingon ang mesa kung saan naroon ang mga kasama ko kanina.

Mula sa sulok ng mata ko, nakita kong muling tumingin si Kiernan sa akin, ang ekspresyon niya ay pareho pa rin na isang mapanuring tingin na parang gusto niyang malaman kung ano ang iniisip ko pero pinipili niyang huwag itanong.

Bago pa maging awkward ay tumalikod na ako at naglakad pabalik sa mesa namin. Napailing ako at pinilit ngumiti, kahit sa loob-loob ko ay mas lalo lang bumibigat ang dibdib ko. Sa bawat tawa at usapan sa paligid ng mesa, ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa ni Kiernan ay isang tensyon na walang ibang nakakarinig kundi kami lang.

Sa kabilang mesa, si Kio ay masayang nagkukuwento ng kung anu-ano sa daddy niya habang nakayakap pa rin dito. Kahit sa malayo, rinig ko ang tawa ni Kiernan, mababa at puno ng init na parang isang tunog na minsang naging tahanan ko.

Naramdaman kong bumigat ang dibdib ko, kaya marahan akong huminga nang malalim at muling ngumiti sa mommy ko, na ngayon ay nakatingin sa akin na parang sinusubukang basahin kung ano ang pumapasok sa isip ko.

Sa bawat segundo na lumilipas, ramdam kong lumalapit ang araw kung kailan kailangan kong pumili at ngayong hawak ko ang oras na iyon, mas lalo lang akong natatakot na masaktan, at lalo na… masaktan silang dalawa.









_______________________














The two weeks that followed felt like borrowed time. I extended my stay in the Philippines, telling everyone that I needed more time for myself. Sa mga araw na iyon, I spent mornings with Mom, having quiet breakfasts at her favorite café, and lazy afternoons walking along the coastline. There were nights we stayed up late just talking about life, about the years we lost when I was busy chasing my career abroad. Sometimes, she would hold my hand out of nowhere, as if grounding herself that I was really here.

I also reconnected with Joshua and Ivelle, spending hours laughing over old memories and realizing how much we all had changed. Ivelle now had her own family and Joshua no longer the shy boy I once knew which he carried himself differently now, happier, more confident, always with Nero by his side.

IKIGAI Series #1: EstrangheroMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon