CONTENT WARNING. This chapter contains references to homophobic language, discrimination, or themes that may be upsetting or offensive to readers. Viewer Discretion is Advised
Sunday came like a warm hug.
After ng mga stress na kinaharap namin this week, napagkasunduan naming tatlong magkakaibigan na gumala. Wala nang plano-plano. Biglang yaya lang ito ni Ivelle kaninang umaga and since wala naman na akong ginagawa ay pumayag na ako.
Sumang-ayon din naman agad si Joshua. They also invited Kiernan kung gusto niya bang sumama eh napaisip ako kaagad na baka ma left out yun sa kakulitan ng dalawa but Ivelle said siya na ang bahala. But at first, tinanong ko muna ito kung busy ba siya dahil alam kong marami itong ginagawa but good thing lang daw ay inimbitahan ko siya para matanggal ang stress niya.
If only I knew how to do his works ay ginawa ko na. Naaawa na nga ako dun eh kasi gabi-gabing nagra-rant sa akin. Kaya tanging pag v-vc nalang ang ginawa ko sa kaniya para maaliw at maibsan ang paghihirap nito. Wow ha, ang laki ko namang kawalan 'pag ganun.
At ayun na nga. Nagkita-kita kami sa may lobby ng mall. I bring Loki with me na ngayon ay dinidilaan ang balahibo nito. He's in his transparent dome na ngayon ay pinagtitinginan na ng mga tao sa mall and most of them are kids. Tinext ko na ang dalawa na nandito na ako malapit sa Samsung Store. Ang sabi 1 pm pero 1:30 pm na at hindi pa rin dumadating ang dalawa. Si Kiernan naman ay hahabol lang daw.
"Ang cute ng pusa."
"Ang cute rin ng may-ari."
"Pwede bang ampunin silang dalawa."
Napailing na lamang ako sa mga naririnig ko sa paligid. Sinilip ko si Loki na ngayon ay nilalaro ang bunto't. Hays, pasensya kana anak kung ang batugan ng mga tito at tita mo. Hayaan mo, mamaya, sasapakin ko ang mga 'yon.
Ilang sandali pa ay nahagip na ng mga mata ko ang bulto nilang dalawa na malawak ang ngiti habang papalapit sa akin. Actually si Ivelle lang ang nakangiti ang Joshua looks so annoyed. Hindi na maipinta ang mukha nito. Ano na namang ginawa ng babaeng 'to sa kaniya?
"Omg, kailan ka pa nagkapusa?" Bungad agad niya nang makalapit. Napabuntong hininga naman ako.
"Why did you take so long?"
"Naiwan yung phone ko sa bahay duh. Ayaw pa ngang balikan ng isang 'to but I insist. Hindi ako mabubuhay mamaya kapag walang dalang phone." She said hysterically. Sinamaan naman siya ng tingin ng isa kaya natawa ako.
"Alright alright, kumain na muna tayo." Anyaya ko sa kanilang dalawa.
"It's so cute, El. Binili mo?" Kuryosong tanong ni Joshua.
"Kiernan gave this last week, anak namin." Nakangiting sagot ko na ikinalaki ng mata ni Ivelle.
"Omg! Ang bata ko pa para maging tita." Kunyareng naiiyak na saad niya at mahina akong hinampas.
"Ang oa mo talaga, kumain na tayo dahil nagugutom na ako." Reklamo ko na ikinatigil niya. Namili na rin kami ng fastfood restaurant na kakainan. Kahit saan kami magpunta ay sinusundan kami ng tingin ng mga tao.
Matapos ang mahigit minutong pagpipili ay sa Jollibee pa rin ang ending namin. Silang dalawa na ang nag-order ng kakainin namin. While waiting for them ay nilabas ko muna si Loki sa dome para pakainin. I put him in my lap at binuksan ang sachet ng pagkain niya and place it in his mouth nang pakonti-konti.
BINABASA MO ANG
IKIGAI Series #1: Estranghero
Romansa[1st Series under IKIGAI] Elio Maze Inoue is a bubbly and optimistic, with an infectious energy that draws people to him. He also have that bright, expressive eyes that sparkle with enthusiasm. While in a physical manner, he has this curly or wavy h...
