20

6.9K 105 13
                                        

WARNING (SPG). This chapter contains mature themes, explicit content, or sensitive topics that may not be suitable for younger audiences. Reader discretion is advised.









After everything that happened last week, day by day na lumilipas ay hindi ako mapakali. Everytime I look at my phone ay nanginginig pa rin ang mga kamay ko na paghandaan na baka may susunod pa siyang ise-send. Pero nakapagtataka, after that one drop, iyon na ang una at naging huli-as of now. No follow-ups. Walang kahit anong sumunod. And I didn't know if I should be relieved or scared.

Sinikap kong hindi iyon ipahalata these days na parang wala lang nangyayari. Just wearing my usual face and of course my face card. Kahit na alam kong pamba-blackmail na ang ginagawa ng taong nasa likod nito ay natatakot pa rin akong sabihin kay Kiernan. Ayokong masira ang imahe niya lalo na't kaunting detalye palang ng family background niya ang alam ko.

Speaking of him. He was consistent.

It's lunes ng umaga, pagkalabas ko ng condo, nadatnan ko siyang nakasandal sa sasakyan niya sa baba. Nakashades ito wearing his white shirt, dark jeans, and holding a brown paper bag. Wala bang pasok 'to?

"Ihahatid na kita," kaswal niyang turan. I scratch the tip of my nose.

"Bakit?" tanong ko habang nilalapitan siya, tinatago ang gulat sa tono ko. Kasi never niya pa akong sinusundo nang ganito-lalo na nang walang pasabi.

"Wala lang. Gusto ko lang," he shrugged, tapos inabot sa akin ang brown paper bag. "Breakfast. Cheese bun and brewed coffee. Alam kong late ka na magigising."

Napataas ang kilay ko. "And how did you know that?"

"Instinct," sabay kindat.

I rolled my eyes pero napangiti rin. "Baliw,"

"Only for you," bulong niya, and damn, kung hindi lang ako nagmamadali, baka bumalik ako sa kwarto at magkulong buong araw para lang pag-isipan kung paano niya ako nilulunod ng sobra sa alapaap na ako lang mag-isa.

Wala na akong nagawa at pumasok ako sa kotse niya. Aarte pa ba ako eh nagmamadali na rin ako kasi katulad nga ng sinabi niya ay na late na ako ng gising dahil kung ano-ano na namang kababalaghan ang pinagagawa ko kagabi bago matulog. Umupo na ako sa front seat habang siya naman ay lumibot papunta sa driver side. Pagkaupo niya, sinulyapan niya ako saglit.

"You okay?" tanong niya bigla.

Napatingin ako. "Yeah. Why?"

"Wala lang. You... parang ang dami mong iniisip." Ilang sandali pa ay pinaandar na niya ang kotse at tuluyan na kaming umalis.

And he's right. Kahit anong pilit kong ngumiti at gawing normal ang lahat, hindi pa rin nawawala sa isip ko 'yung larawan sa phone ko. That fucker na nagsend nun. Now my head is now being muddled. Napapaisip din ako kung may nakakaaway ba ako sa personal o online pero parang wala naman. Wala rin akong person of interest as of now and I'm just assuming that all of these ay may kinalaman kay Kiernan since the fact that I don't know him well yet o di kaya'y taong may inggit o naninira lang ng kapwa. And at the same time, It feels scary to think that there's a possibility na baka may sumunod pa lalo na't wala itong paramdam.

Sa totoo lang, simula nang tagpong iyon, every time Kiernan and I are keep seeing each other ay nakakaramdam ako ng takot at pangamba. Pangamba na baka may mangyayari na naman ulit. That is why I hate happiness sometimes dahil alam ko na ang susunod nun ay mga bagay na hindi ko naman magugustuhan.

"I'm just tired," palusot ko. "Weekend hangover."

"Hmm." Tumango siya. Pero alam kong hindi siya kumbinsido roon. Hinihiling ko nalang sa ngayon na sana ay hindi siya magtatanong tungkol sa kasalukuyang kalagayan ko na alam ko rin naman na makakakitaan mo ng pagkahalata.

IKIGAI Series #1: EstrangheroMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon