[VOTE, COMMENT, FOLLOW]
Kinapa ko ang tabi ko nang maramdamang medyo gumaan ang pagkabaon ko sa foam na kinatutulugan namin ni Kiernan. Nang maramdamang wala ay minulat ko na ang aking mga mata and saw nothing. Humikab ako at pumikit ulit tsaka kinusot ang mata. Did he left?
"Kiernan?" tawag ko, mahina pa boses ko. Sinisigurado, dahil baka nag cr lang o nasa kusina. Ngunit walang sumagot.
Pinilit kong imulat ang mga mata ko kahit ang bigat pa rin ng pakiramdam ko sa pagod kagabi. Napatingin ako sa wall clock t nakitang 5:30 na ng umaga. I just slept for 5 hours. Naputol yung streak kong 7 hours and up per day.
Napabuntong-hininga ako. Tumitig lang ako sa kisame ng ilang segundo habang dinadama ang katahimikan sa loob ng condo. Nang maramdamang kaya na ng katawan kong bumangon ay ginawa ko na. Kinuha ko kaagad ang tsinelas sa ilalim ng kama at sinuot. Nakita ko naman si Loki na gising na at lumapit sa paanan ko.
Kinuha ko ito at kinarga and rub his neck na ikinapikit niya. Nagustuhan niya ata.
"Nagpaalam ba ang daddy mo sa 'yo, nak?" Tanong ko pa rito habang nagbaby talk. Hindi ito sumagot na given naman kaya hinalikan ko nalang at nilapag muli sa sahig.
Napalingon ako sa bed side table nang may mapansing tila umuusok na cup. Kumunot ang noo ko when I saw a big paper bag at cup ng starbucks. May nakadikit na isang pirasong sticky note doon na agad kong kinuha dala ng kuryosidad. It must be from Kiernan na hindi ko ikinabigla when I finally read what is written.
'Don't want to bother you kaya umalis ako. Mom is already awake kaya kailangan ko ng umalis. Kainin mo 'to lahat and don't you dare skip it. Ti voglio bene, Tesoro.' - Handsome BF
Napangiwi ako sa huli niyang sinulat pero kinalaunan ay natawa rin. Ang hilig mo talagang baliwin ako sa mga ganito. Hindi ko man naintindihan ang sinabi niya sa huli ngunit alam kong mahalaga iyon at puno ng pagmamahal. I smiled at the thought na ang suwerte ko sa kaniya or should I say ang suwerte namin sa isa't-isa. Sino ba naman ang hindi manghihina kung ito ang isa sa mga love language ng partner mo. And speaking of that, ay ultimo ako ay hindi rin makapaniwalang sinagot ko na siya kagabi. May paghihinayang dahil hindi ko nakuha ang reaksiyon niya but of course I really understand his situation that he is facing right now.
Sinimulan ko nang kainin yung food sa loob nang tuluyan ko itong mabuksan. Binuksan ko rin ang coffee cup na agad na sumamyo sa ilong ko ang bango nun. Napaisip tuloy ako, siguro bago lang talaga siya umalis kasi mainit pa 'yung kape.
Habang ngumunguya, napatitig ako sa labas ng bintana.
Ang dami nang nangyari. Gabi pa lang kahapon, parang rollercoaster na 'yung buhay ko. Pero ramdam ko, kahit hindi ko sabihin lahat ng nasa loob ko, naiintindihan niya ako.
And now... he's not just my person-he's officially my boyfriend.
My boyfriend. In all my life, I never expected na magkaka boyfriend ako sa tanang buhay. Kuntento na ako noon sa panliligaw ko kay Reize but Kiernan unexpectedly came out from the picture. That estranghero na napigilan kong magpakamatay in my favorite spot and somehow I feel like ako ang nakahilom sa mga sugat na iniinda niya. Assuming ko sa part na 'yun but yeah. Even in afterlife, if not Kiernan ay hindi na ako magmamahal ulit.
Sa mundong puno ng mapanghusgang tao at talamak na diskriminasyon ay hindi ako magdadalawang isip na ipagmalaki siya hindi lang sa mundo kundi sa buong kalawakan.
I grab my phone and open my front cam. Medyo magulo pa ang buhok ko pero ang pogi ko pa rin naman.
Napangiti ako ulit. Kinuha ko 'yung egg at nilagay sa tinapay para hindi halata. Tapos sinend-an ko siya ng selfie habang nakapout ako at may hawak na tinidor na may egg. After hitting the send button ay hindi agad ito nag reply. Probably his driving now.
BINABASA MO ANG
IKIGAI Series #1: Estranghero
Romance[1st Series under IKIGAI] Elio Maze Inoue is a bubbly and optimistic, with an infectious energy that draws people to him. He also have that bright, expressive eyes that sparkle with enthusiasm. While in a physical manner, he has this curly or wavy h...
