25

4.3K 84 11
                                        

[VOTE, COMMENT, FOLLOW]

Pagkapasok namin sa loob ng hospital, agad akong sinalubong ng lamig ng aircon at 'yung amoy na hindi ko ma-describe kundi mamahaling antiseptic. Napapasabay pa ako nang marinig ang konting music sa background na instrumental version ng all to well.

Dumaan muna kami sa lobby papunta sa reception area.

Sa gitna nito ay mayroong front desk. Nando'n ang isang babaeng nurse base sa suot niyang naka-puting uniform.

Paglapit namin ay agad siyang ngumiti pero hindi sa akin kundi kay Kiernan.

"Hi po," sabi niya habang matamis na ngumiti rito. "Check-in for patient number?"

"Room 306," sagot ni Kiernan na parang wala man lang pake-alam sa nurse. I can't deny that she's beautiful tho but the way she looks at Kiernan is something close to flirting. I'm not that dumb not to notice it.

"Okay po, Sir," ani ng nurse. "Pakipirma lang po dito... and pati po ang kasama n'yo, para sa visitor log."

Inabot niya ang form kay Kiernan. Palihim ko itong pinagmasdan sa peripheral vision ko dahil nga nakatutok ng mga mata ko sa pagfi-fill up ni Kiernan.

I notice how she slowly flip of her ponytail and the way she leaned slightly sa desk... just enough para umangat ang neckline ng uniform niya.

Tsk! This girl. Namumuro na 'to ah. Is she not aware na may nakakakita sa ginagawa niya? Napatingin ako kay Kiernan na seryoso lang na nagsusulat sa form.

Napahinga na lang ng malalim.

Hindi ako insecure okay? Hindi ako clingy. Okay... maybe, slightly clingy. Pero hindi ako bulag at bingi. That girl is too obvious to read. Hindi ko na ata kailangan ng stethoscope para makita kung sino 'yung tinatry mong i-check up.

"Sir, dito rin po," tawag ng nurse sa akin habang inaabot ang ballpen.

Pilit akong ngumiti rito. "Thanks."

Habang nagsusulat ako, napansin ko pa ring panay tingin nito sa lalaking katabi ko. Parang gusto na niya 'tong i-admit kahit walang sakit.

Para namang may pake-alam yung damuho sa likuran ko at hindi man lang siya binibigyan ng kahit isang tingin. Binilisan ko na ang pagsulat ng mga kinakailangan dahil hindi na ako komportable rito.

Nang matapos ay napaigtad ako when Kiernan hold my hand at pinagsaklop iyon. Tiningnan ko ito na ginawa niya rin pabalik. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang nagtatanong kung anong meron. I just shook my head at sumunod sa kaniya.

Pumasok kami sa elevator nang magkahawak ang kamay. He let out his other hand sa bulsa at may pinindut sa panel pad ng elevator. Matapos nun ay binalik niya rin.

Habang hinihintay itong umakyat ay bigla na lamang ako nitong hinalikan sa pisnge. Buti nalang at kami kang ang taong nandirito.

"Kiernan!" Saway ko rito but he just whistle na para bang walang ginawa.

Pagkalabas namin ng elevator, tahimik lang kaming naglakad papunta sa room 306. Hindi kami nag-uusap. Hawak pa rin niya ang kamay ko. Pero ramdam ko ang bigat sa bawat hakbang.

This is it.

Nang mahanap na namin ang room ay tumigil kaming dalawa sa harapan ng pinto. Pinakawalan niya ang kamay ko, huminga nang malalim, tapos pinihit ang knob at pagbukas na pagkabukas talaga ng pinto, agad kaming sinalubong ng ngiti.

"Son," mahina pero masiglang tawag ng isang babae mula sa kama.

Napako ako sa kinatatayuan ko.

Hindi dahil sa takot. Kundi dahil... damn. She was beautiful.

IKIGAI Series #1: EstrangheroMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon