[VOTE, COMMENT, FOLLOW]
Habang sinusundan ko sila Nero papasok, mas lalo akong nanliliit sa paligid.
"Rest house ba talaga 'to o private resort?" bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang paligid.
Tangina. I swear, kung may helipad pa 'to sa likod, uuwi na ako.
At habang iniikot ko ang tingin ko, biglang may pababa ng hagdan.
May isang pamilyar na bulto na walang damit pang-itaas na may hawak pang tuwalya at baso ng tubig. It's one of Kiernan's friends.
"DUKE!" biglang sigaw ni Nero. "Magbihis ka nga, may bisita tayo."
Napalingon ito sa direksyon namin, at nung makita ako, napalakas ang tili niya.
"Kiernan's prince is here!!" sigaw pa niya, now with full drama. Agad na nag init ang mukha ko sa sinigaw niya.
At hindi lang 'yon.
From out of nowhere ay tila naglabasan pa ang buong barangay.
"Eli!" sigaw ni Kuya Morgan mula sa hallway sa itaas.
"Dude! Elio!" si Keegan, habang nakasaksak pa ang toothbrush sa bibig nito, kakalabas lang ng kwarto.
"Oy!" si Zaidyn, nakapajama pa.
Lumabas din si Vatroslav na may bitbit pang pusa habang naka-bonnet.
Naalala ko ang mga pangalan nila nang minsang ipakilala sila ni Kiernan isa-isa. Medyo nire-recall ko pa nga but good thing I have a long term memory.
Tuwang-tuwa silang lahat nang makita ako. Parang ako 'yung VIP guest na matagal nang hinihintay. Nahiya naman ako bigla.
"Hi, Elio!" sabay-sabay nilang sigaw habang lumalapit.
Napatawa si Nero. "Elio, pasensiya na. Ganyan talaga sila. Feel at home lang, ha? Baka mabaliw ka sa energy nila."
Umiling ako habang napapatawa. "Okay lang."
Tumango si Nero. "Hatid ko lang 'yung kasama ko, ha? Balik ako maya-maya."
"Sure," sagot ko.
Habang lumalabas sila ni girl, hindi rin siya nakaligtas sa pang-aalaska ng tropa niya.
"Paldo na naman!" sigaw ni Morgan.
"Diretso uwi ha," hirit ni Zaidyn.
"Lalandi na naman eh," dagdag pa ni Duke habang umiikot ang towel sa kamay niya.
Napailing na lang ako habang pinanood ko silang dalawa palabas ng gate. 'Yung babae, hindi na rin nagsalita. Buti na lang.
Pagkasara ng pinto, bumaling ulit sa akin ang apat.
At sabay-sabay silang lumapit.
"Elio," sabi ni Keegan. "Ilang beses ka nang nababanggit dito."
"Madami," singit ni Morgan.
"Too much," dagdag ni Vatroslav.
"Gusto naming i-confirm," ani Duke, nakangisi. "Kayo na ba?"
Napangiti lang ako at hindi umimik pero alam ko naman ding halata na doon pa lang.
Hindi nga ako nagkamali at mas lalo silang nagsigawan. Natatawa na lang ako at tinakpan ang mukha using my palm.
"Tama na nga 'yan. Nahihiya na si Elio eh." Suway sa kanila ni Kuya Morgan. Napatingin ako rito at ultimo siya ay wirdong nagtataas baba ng kilay. Ta mo, siya rin naman ah.
BINABASA MO ANG
IKIGAI Series #1: Estranghero
Romance[1st Series under IKIGAI] Elio Maze Inoue is a bubbly and optimistic, with an infectious energy that draws people to him. He also have that bright, expressive eyes that sparkle with enthusiasm. While in a physical manner, he has this curly or wavy h...
