[A/N: Don't forget to vote for this chap guys! Thank you so much for patiently waiting]
I felt a relief nang makapasok ako sa room na wala pa ang teacher namin, thank God, kasi feeling ko ay anytime ay bibigay na ‘yung tuhod ko sa antok. Nakauwi ako ng 7 a.m. galing rest house ni Kiernan. Nagbyahe ako nang parang nakalutang which made me sleep for just 4 hours. Pagdating ko pa sa gate ng school, akala ko di ako papapasukin dahil hindi ako naka-uniform pero pinapasok pa rin ako ng guard.
“Pasensya na po, hindi naka-uniform,” sabi ko, pagod na pagod pa.
"Okay lang, ser." Nakangiti nitong ani at sumaludo pa sa akin. I smiled at him awkwardly dahil hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Kinabahan pa naman ako because the schoo is very strict with uniform policies.
Hindi ko alam kung anong sinabi ni Kiernan na parang matagal na silang magkakilala when they talked earlier before he leaves habang nasa sasakyan pa ako. Napapailing na lang ako habang papasok ng classroom.
Bigla akong napahikab nang maka upo ko sa armchair ko. Buong kaluluwa ko sumama. Napahawak ako sa bag ko para lang hindi malaglag.
“Hoy!” sigaw ni Ivelle habang palapit. “Anong nangyari sa’yo?"
Napatingin ako sa kaniya na hindi maidilat ang mata ng maayos. “Inaantok ako,"
“Tapos hindi ka pa naka-uniform. Siguro..."
“IVELLE!” sabay bagsak ko ng ulo sa desk.
Natawa si Joshua na nasa upuan ni Ivelle habang nagbabasa ng libro na tahimik lang sa gilid pero kitang-kita ko ‘yung slight na ngisi sa labi niya.
Bigla na lang kaming natahimik nang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Miss Chiara na may hawak na bundle ng papel sa kamay na obvious namang test papers.
“Settle down,” seryoso niyang sabi. “I have something to announce before I return your test papers.”
Nagtinginan kami lahat. Umayos naman ako ng upo at ang lahat ay bumalik na sa kanya-kanya nilang mga upuan.
“For the first time in my years of teaching Physics,” dugtong niya, “Someone from this batch got a perfect score.”
Sabay kaming lumingon kay Joshua. Kahit ako, napangiti. I mean… let’s be honest, kapag sinabing matalino, una naming tinitingnan si Joshua. Kahit si Ivelle, biglang nag-apir sa kaniya.
“Galing mo talaga,” sabi ni Ivelle.
“Hindi pa niya sinasabi kung sino,” the latter answered pero may ngiti rin.
“Okay, class. I will now call you one by one. I’ll start from the lowest,” sabi ni Miss Chiara.
Pinaka-lowest daw ay 42/80. Not bad na rin ‘yon. Imagine, lahat kami ay lampas sa kalahati.
“Rivera, 44. Santos, 46. Ivelle…”
Tumayo si Ivelle nang may pilit na ngiti. “I’m ready.”
“51/80,” sabi ni Miss Chiara. Tumayo ito at gulat na gulat na kinuha ang test paper niya. Pagbalik nito sa upuan ay naka thumbs up na tumingin sa akin.
“Unbelievable teh,” sabi niya, sabay balik sa upuan. “Nakaka proud."
Dumaan pa ang ilan na nagpatawa, nagulat, asaran at hiyawan sa mga tinatawag. Nakakatense naman kasi sa totoo lang dahil pataas nang pataas ang score na tinatawa at wala pa yung akin. Hanggang sa kami na lang ni Joshua ang hindi tinatawag.
Kinabahan naman ako.
Of course, i'm not expecting that score. Siguro 70 max? Pero not even line of 7, maybe. Kasi may mga items doon na parang sinagot ko lang using my instinct.
BINABASA MO ANG
IKIGAI Series #1: Estranghero
Romans[1st Series under IKIGAI] Elio Maze Inoue is a bubbly and optimistic, with an infectious energy that draws people to him. He also have that bright, expressive eyes that sparkle with enthusiasm. While in a physical manner, he has this curly or wavy h...
