Wakas 2

3.7K 84 3
                                        

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero pagbangon ko ay dumiretso na ako sa kotse. Hindi ako mapakali sa message ni Elio kagabi. Reize wants a dinner. Fine. Pero bakit kailangang may involvement pa siya? At bakit parang ako pa ‘yung nauulol dito? Ayoko na ngang isipin pero lalo lang akong naiinis. Kaya ayun, nasa parking lot ako ng condo niya bago pa mag-7 AM. 

That time, I thought I already cleared between us ni Reize. But lately, I've realize na hindi ko sinasagot ang tawag at text that ended up her na istorbohin pa si Eli. I should’ve texted her brother about this pero hindi ko ginawa dahil baka mag-aaway na naman sila. 

Reize and I just casually talked lang naman at para masiguro na wala naman kaming ginagawang masama. I invited Elio for him to see everything live. Ayokong pinag-iisipan niya ako ng masama. 

Pagbaba niya, halatang nainis siya sa akin, pero wala akong pake. Kung kakain ako kasama si Reize, sasama siya. Walang debate pa ang mangyayari.

Sa restaurant, nagsasalita si Reize pero hindi ko naman pinapansin. I was just smirking at paminsan-minsan habang tumatango sa mga sinasabi niya, pero ang totoo, nakatingin ako sa kabilang side ng mall. I saw Elio na nasa coffee shop, mag-isa, parang gusto niya akong lasunin gamit ‘yung titig niya. Then may lalaking biglang umupo sa harap niya. Nakipagkamay pa. Nag-uusap sila. Tumawa pa siya. Damn it.

Ayun din ang tumapos sa tali ng pasensya ko. Sakto rin na may tumawag kay Reize at paulit-ulit na humingi ng tawad sa akin dahil nga Emergency daw sabi ko, pero ang totoo, ako ‘yung may emergency. Dumiretso ako sa coffee shop at halos pasigaw kong pinaalis ‘yung lalaki. Nakita ko kung paano nagalit si Elio sa akin bago siya nag-walk out, pero hinabol ko pa rin siya. Kahit anong gawin niya, hindi ko kayang hindi sundan.

Sa night market, iba ang approach ko. Hindi galit. Hindi sigaw. Hinayaan ko lang siya kainin ‘yung kwek-kwek niya habang sinusundan ko. Nilabanan ko na lang ‘yung usok ng inihaw at mga tingin ng tao. Nanalo ako ng plushie para sa kanya sa shooting booth. Nagpakita ako ng konting yabang pero gusto ko lang makita siyang ngumiti kahit pilit. At tangina, nagustuhan niya. Hindi niya aminin pero kita ko.

Tapos Ferris wheel. Ayun, doon na ako napilitan magsabi ng totoo. “Ayoko kapag may ibang lumalapit sa’yo,” sabi ko. “Ayoko kapag may ibang pinapangitian ka.” Hindi ko na rin tinago: lahat ng kalokohang ginagawa ko, ginagawa ko lang kasi gusto ko ng kahit anong rason para mapansin niya ako. Pathetic, pero totoo.

Nang umabot kami sa tuktok, sumabay pa ‘yung fireworks. Sakto. Leaned closer ako. Hinalikan ko siya—hindi bastos, hindi biro. Totoo. Mahina pero buo.

“Mahal kita, Elio,” bulong ko habang nakadikit ‘yung noo ko sa kanya. “Deal with it.”

But then he pulled away. And he said the words that cut deeper than any blade ever could.

“I still like Reize.”

For a second, I almost believed him. Mas madali sanang tanggapin kung totoo ‘yon. Mas madali kung may ibang tao talaga sa puso niya. But I saw it in his eyes—hindi si Reize ‘yung hinahalikan niya that night. It was me. And maybe that’s what hurt the most.

I could’ve fought back. I could’ve told him, “Stop lying.” Pero hindi ko ginawa. Because I understand. Fear makes people do stupid things. And loving someone doesn’t mean forcing them to be ready just because you are. Sometimes, loving someone means stepping back even if every cell in your body wants to hold on.

Pero tangina, ang hirap pala maging matalino pagdating sa puso.

Nagtagpo pa ang landas namin sa isang milk tea shop, it was around 1 p.m. I wasn’t even supposed to be there. I just needed caffeine. 

IKIGAI Series #1: EstrangheroMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon