[VOTE, COMMENT, FOLLOW]
Isang linggo matapos dalhin ang abo ni Miguel sa ancestral house nila ay dumating din ang araw na kinatatakutan ko kung saan ang huling pamamaalam sa kaniya. Nasa loob ako ng sasakyan kasama ang mommy ko habang papunta kami sa private cemetery. Tahimik lang siya na paminsan-minsan ay hinahaplos ang kamay ko na parang sinasalo ang bigat na hindi ko kayang buhatin mag-isa. Sa likod namin, nakasakay sina Joshua at Ivelle kasama ang anak at asawa niya. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang araw na ito, pero alam ko kailangan kong gawin.
Pagdating namin sa lugar, sinalubong kami ng malamig na hangin at maaliwalas na paligid. Kahit private cemetery siya, may mga punong nakalinya sa magkabilang gilid, parang may sinasadyang katahimikan na bumabalot sa paligid. Ang bawat yapak namin sa sementadong daan ay parang paulit-ulit na paalala na bawat hakbang ay papalapit ako sa puntong hindi ko na siya makikita ulit.
Pinagmamasdan ko ang mga tao na dumarating. Mga kamag-anak ni Miguel, kaibigan ng pamilya, at ilang mga kakilala na hindi ko rin kilala. Nakasuot silang lahat ng puti at itim, mga mukha nilang seryoso at puno ng lungkot. Hawak ng daddy ni Miguel, si Tito Hunter, ang urn na kulay ginto, at mababakas sa mukha niya ang pagod at sakit.
Nasa tabi ko ang mommy ko, mahigpit na nakahawak sa braso ko, at ramdam ko ang mahina niyang panginginig.
"Anak," mahina niyang bulong, "It's okay to cry. Don't hold it in."
Ngumuso lang ako at tumango. Hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang luhang kanina pa nagbabadyang tumulo. Ang hirap maniwalang ito na talaga ang katapusan. Nakita ko si Ivelle na tahimik na nag-aasikaso ng anak niya, habang si Joshua naman ay malayo ang tingin, parang pinipilit din niyang hindi bumigay.
I was just sitting there nang mapabalikwas ako ng tingin sa bisitang bagong dating. Hawak niya ang isang batang lalaki, walang iba kundi si Kio, na mahigpit na nakakapit sa leeg niya. Nakasuot si Kiernan ng puting long-sleeved polo at itim na slacks, simple pero eleganteng tingnan. May suot siyang dark sunglasses, pero kahit natatakpan ang mata niya, ramdam ko ang bigat ng tingin niya sa paligid.
Napahigpit ang hawak ko sa braso ng mommy ko. Bakit siya nandito?
Alam kong may inis ito kay Miguel. Ramdam at kita ko 'yon nung unang beses niyang gumawi sa opisina ko. Alam kong may pinagmulan ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa, kaya't mas lalo akong nagtaka kung bakit narito siya ngayon, sa araw na ito.
Kio, on the other hand, looked curious and somber, nakahilig ang ulo sa balikat ng ama niya. Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ang urn na dala ni Tito Hunter, para bang ramdam niya rin ang bigat ng araw na ito kahit bata pa siya.
Maya-maya ay nagsimula ang seremonya. Ang pari ay tumayo sa harap ng lahat, hawak ang bibliya, at nagsimulang magdasal. Ang bawat salitang binibigkas niya ay parang may tinatamaan sa dibdib ko, bawat linya ng panalangin ay paulit-ulit na nagpapaalala ng katotohanan na wala na si Miguel.
Pumikit ako at hinayaan na lamang ang luhang kanina pa pinipigilan na tumulo. Ramdam ko ang mahigpit na pagyakap sa akin ng mommy ko, na para bang siya na ang naging pader ko ngayong pinakamasakit na araw ng buhay ko.
Naririnig ko ang mga hikbi sa paligid-mula sa mga kamag-anak ni Miguel, sa mga kaibigan niya, at sa mga taong nagmamahal sa kanya. Pero ang pinakamasakit pakinggan ay ang hagulgol ng mommy ni Miguel.
Nagatuloy ang misa hanggang sa oras na para ibaba ang urn sa lupang nakalaan dito, mas lalo pang lumakas ang iyak ng mommy ni Miguel. Napahina ako ng hinga nang makita kong halos mawalan siya ng malay sa sobrang sakit. Mabuti na lamang at nasalo siya ni Nathan, ang nakatatandang kapatid ni Kiernan, na naroon din at tila handang saluhin ang bigat ng pamilya.
BINABASA MO ANG
IKIGAI Series #1: Estranghero
Romance[1st Series under IKIGAI] Elio Maze Inoue is a bubbly and optimistic, with an infectious energy that draws people to him. He also have that bright, expressive eyes that sparkle with enthusiasm. While in a physical manner, he has this curly or wavy h...
