CHAPTER 11

237 10 0
                                    

Huminto ang jeep na sinasakyan nila Aiden at Derek sa gilid ng daan at bumaba sila mula doon. Tumabi sila sa gilid at nilibot nila ang paningin sa paligid.

"Ito na ba ang Divisoria?" tanong ni Aiden kay Derek.

Tumango-tango ang ulo ni Derek. "Yeah, ito nga," sagot niya sa tanong ni Aiden.

Napatango-tango ang ulo ni Aiden. Mula sa kinatatayuan niya ay nakikita niya ang maluwag na kalsada. Sa gilid-gilid ay ang mga tindahan ng kung ano-ano. Nakakakita rin siya ng mga nagtataasang gusali kabilang na ang sa mga malls.

"Sikat sa mga nakatira dito ang lugar na ito dahil puro mura ang bilihin," paliwanag ni Derek.

Tiningnan ni Aiden si Derek. Kumunot ang noo niya. "Murang bilihin?" tanong niya.

Nilingon ni Derek si Aiden. Tumango-tango siya. "Mula sa gamit sa bahay hanggang sa personal needs mo ay meron dito at 'yung iba bagsak-presyo mong mabibili," sabi nito.

"Ahhh..." ang nasabi lamang ni Aiden. Tiningnan niya si Derek mula ulo hanggang paa. Simple lang ang suot nito pero litaw na litaw pa rin ang kagwapuhan at lakas ng dating. T-shirt na puti na may print ng isang anime character, medyo kupas na semi-fit na pantalon at rubber shoes na kulay puti ang suot nito.

Kumunot naman ang noo ni Derek. "Bakit ganyan ka makatingin?" nagtatakang tanong niya habang nagsasalubong din ang magkabilang-dulo ng makapal na kilay niya.

Bumalik ang tingin ni Aiden sa mukha ni Derek. Napangisi ito. "'Yung suot mo? Dito mo lang rin ba nabili?" tanong niya.

Tiningnan ni Derek ang sarili pagkatapos ay bumalik din kay Aiden. Umiling-iling ito. "Branded ang mga ito," sagot niya. "Pero may mabibilhan ka rin dito ng mga branded na damit at kadalasan naka-sale," dugtong pa nito.

Kuminang ang mga mata ni Aiden. "Wow! Gusto ko 'yan!" sabi niya na natuwa nang makarinig ng salitang sale.

Natawa naman si Derek sa reaksyo ni Aiden. "Mahilig ka pala sa sale kahit mayaman ka," aniya.

"Oo naman! Mas marami ka kasing mabibili kapag sale," sagot ni Aiden. Hindi naman masyadong maarte si Aiden pagdating sa damit. Kapag maganda pero mahal, binibili niya kapag gustong-gusto niya pero kapag mura naman at maganda din, mas natutuwa siyang bilhin iyon.

Tinango-tango ni Derek ang ulo niya. "May point ka," sabi niya pa. "So, tara na?" aya na niya kay Aiden.

"Go!" natutuwang sagot ni Aiden saka ngumiti.

Naglakad na ang dalawa at sinimulan nang maglibot sa buong lugar.

---

"Ang liit naman ng mall na ito. Pwede mo nang libutin ng wala pang isang oras," bulong ni Aiden habang nililibot ang tingin sa loob ng mall na pinasukan nila.

Marami silang nakikitang boutique, resto at kung ano-ano pa. Sa gitna naman at sa gilid-gilid ay may mga stall din na kung ano-ano ang tinitinda at parang tiyangge.

Mahinang natawa si Derek sa sinabi ni Aiden. "Tutuban Mall 'to," aniya.

"Oo, nabasa ko dun sa entrance 'yung pangalan," saad ni Aiden.

"Marunong ka palang magbasa?" nang-aasar na salita ni Derek.

Sinamaan nang tingin ni Aiden si Derek. "Ano'ng akala mo sa'kin? No read, no write?" tanong niya.

Natawa lang si Derek sa reaksyon ni Aiden. 'Pikon,' isip-isip niya pa.

Isa-isa nilang pinasok ang mga boutique. 'Tama nga si Derek, maraming murang damit at mga sapatos,' wika ni Aiden sa utak niya.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon