CHAPTER 13

205 9 0
                                    

Nagising si Aiden mula sa mahimbing niyang tulog. Nag-stretching siya ng magkabilang balikat at braso habang nakahiga pa rin sa hinihigaang kama at dahan-dahang idinilat ang kanyang mga mata. Kinusot-kusot niya pa ito para maging malinaw ang kanyang paningin.

Tumingin si Aiden sa bintana ng kanyang kwarto. Madilim na ang kalangitan sa labas. Sumunod niyang tiningnan ay ang wall clock na nakasabit sa pader.

"Alas-sais na pala," sabi ni Aiden sa sarili. Mahaba ang itinulog niya.

Muling nag-stretching si Aiden. Hindi niya namalayang nakatulog siya. Humikab siya saka dahan-dahang bumangon at naupo sa kama.

Sinuklay ni Aiden paitaas ang magulo niyang buhok gamit ang mga daliri niya sa kanang kamay saka ihinilamos ang dalawang palad sa kanyang mukha. Muli siyang humikab ng pagkalaki-laki.

Naisipan na ni Aiden na umalis sa kanyang kama at mag-stretch ng katawan habang nakatayo para tuluyang magising ang diwa niya.

"Bbbrrrttt!"

Napayuko si Aiden at tiningnan ang tiyan niya. Natawa siya sa biglaan nitong pagkulo. "Nagugutom na ako," sabi niya pa.

Nagsuot ng pambahay na tsinelas saka naglakad si Aiden papunta sa pintuan ng kanyang kwarto at binuksan ito. Lumabas siya at pumunta sa hagdanan.

Madilim sa bandang sala. Naaaninag lang ni Aiden ng kaunti ang paligid dahil sa ilaw na nakasindi mula sa kusina.

Kumunot ang noo ni Aiden dahil napansin niyang may tao sa sala. Nakita rin niya iyong laptop na nakabukas at nagbibigay rin ng kaunting liwanag sa paligid.

Hanggang sa manlaki na lamang ang mga mata ni Aiden nang maalala niya na inaaya nga pala siya ni Derek na mag-movie marathon daw sila.

"Oo nga pala, nag-aaya nga pala si Derek. Nakalimutan ko."

Tuluyang nakababa si Aiden ng hagdanan at lumapit sa sala. Doon niya nakita ng malapitan si Derek na nakaupo sa sofa habang tutok na tutok ang mata sa pinapanuod.

Napangiti na lamang ng tipid si Aiden. Tinalikuran niya ito at naglakad papunta sa kusina. Nakaramdam naman si Derek na may tao sa paligid niya kaya napalingon siya at nakita niya si Aiden na papunta sa kusina. Napailing-iling ang ulo niya.

"Sabi ko mag-movie marathon kami pero tinulugan ako. Tsk!" naiinis na bulong ni Derek.

Naghahanap si Aiden ng makakain niya nang pumasok si Derek sa kusina. Napalingon si Aiden kay Derek na nakatayo sa bukana.

"Masarap ba tulog mo?" tanong ni Derek sa tono na sarcastic.

Napakamot naman sa likod ng ulo si Aiden. "Pasensya ka na. Nakatulog kasi ako ng hindi ko namamalayan," paghingi niya ng sorry.


"Oo nga. Tinatawag kita kanina pero hindi ka sumasagot. Mukhang mahimbing ang naging tulog mo,"
may himig ng pagkasarkatiskong sabi pa ni Derek.

Pilit na napangiti na lamang si Aiden. "Oo nga pala, magluluto ako. Gusto mo rin bang kumain?" tanong niya kay Derek.

Tumango-tango si Derek.

"Sige. Tatawagin na lang kita kapag luto na iyong pagkain," sabi ni Aiden.

"Hindi pa pwedeng panuorin kita habang nagluluto?" tanong ni Derek. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa mesa saka naupo sa upuan.

"Pero nanunuod ka, 'di ba?" balik-tanong ni Aiden.

"Makakapaghintay naman iyon. Pinause ko muna," sagot ni Derek. "Hindi naman kita pwedeng i-pause," aniya pa.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon