CHAPTER 20

234 10 1
                                    

Mabilis na lumalangoy sa tubig ng pool si Derek. Kanina pa siya pabalik-balik sa magkabilang dulo nito.

Inaabala ni Derek ang sarili para hindi kung ano-ano ang naiisip niya. Sa kanyang palagay ay hindi tama ang mga biglang tumatakbo sa kanyang isipan gaya na lamang no'ng minasahe ni Aiden ang kanyang katawan. Ewan ba ni Derek kung bakit bigla siyang nag-imagine ng ganoon.

'Nababaliw na ba ako?' tanong ni Derek sa utak niya.

Siguro nga. Lumipas ang ilan pang mga minuto ay hingal na hingal si Derek nang tumigil siya sandali sa paglangoy at tumayo sa gitna ng pool. Sinuklay niya paitaas ang kanyang basang buhok at inalis sa mukha ang sobrang tubig. Nagbuga siya ng hininga.

Matapos makapagpahinga sandali ay muling lumangoy si Derek. Pabalik-balik muli hanggang sa makaramdam siya ulit ng pagod.

Muling huminto si Derek sa paglangoy at tumayo sa pinakagitna ng pool. Sinuklay niya ulit paitaas ang kanyang basang buhok at inihilamos ang isang palad sa kanyang mukha para maalis ang sobrang tubig.

Sumagi sa isipan ni Derek 'yung eksena nila noon ni Aiden dito rin sa pool. 'Yung bigla niya na lamang itong hinigit at niyakap sa bewang at nilapit ang sarili dito. Napailing-iling siya sa kanyang naisip. Ngayon niya napagtanto na hindi niya dapat iyon ginawa.

"Tsk!" napapalatak na lamang si Derek.

Hindi na muling lumangoy si Derek. Naglakad siya papunta sa gilid ng pool pagkatapos ay humawak siya sa hand rail saka umahon.

Para siyang modelo sa ginawa niyang pag-ahon. Natatamaan ng sikat ng araw ang kanyang magandang pangangatawan na tanging itim na swimming trunks lamang ang suot. Tinatamaan din ng sinag ng araw ang nakabukol niyang alaga na bukol na bukol sa suot niyang swimming trunks na masikip at yakap na yakap ang laylayan sa malalaki niyang mga hita.

Naglakad si Derek papunta sa mga upuan na nasa gilid at ilalim ng puno. Kinuha niya ang nakapatong na twalya doon saka pinampunas sa kanyang buhok, buong mukha, leeg, kili-kili, braso, mga hita at binti niya.

Matapos magpunas ni Derek ay muli niyang ipinatong sa sandalan ng upuan ang twalya saka naupo sa beach chair.

Huminga ng malalim si Derek at tiningnan ang paligid. Tahimik at nag-iisa lamang siya sa lugar na ito. Sumagi na naman sa isipan niya si Aiden. Wala ito sa bahay ngayon at sa kanyang palagay ay nakipagkita ito kay Candice.

Napailing-iling na lamang si Derek. Humiga siya sa inuupuang beach chair at ginawang unan ang kanyang mga braso. Ipinikit niya ang kanyang mga mata habang dinadama ang init na hatid ng araw na nagpapakislap sa kanyang mamasa-masa pa ring katawan.

"Ano bang nangyayari sa akin? Bakit pakiramdam ko, konti na lang ay tuluyan na akong magbabago?" magkasunod na tanong ni Derek sa sarili.

Pagbabagong hindi alam ni Derek kung magugustuhan ba niya sa oras na mangyari na.

---

"Are you okay?" pagtatanong ni Candice kay Aiden na kaharap niya ngayon sa pandalawahang lamesa.

Napatingin si Aiden kay Candice na napakaganda pa rin sa paningin niya. Tumango-tango siya bilang sagot sa magandang dilag na kasama niya.

"Are you sure?" tanong pa ni Candice. Nag-aalala siya para kay Aiden.

"Oo nga. I'm okay," sagot ni Aiden.

Napangiti si Candice. Nilibot nito ang tingin sa lugar kung saan sila naroon. "Ang ganda dito," sabi niya pa.

Nasa loob sila ng isang fine dining resto na nahanap ni Aiden online. Maraming good reviews at kahit siya rin naman ay nagandahan nang makita niya ito sa litrato na naka-post din online kaya ito ang napili niyang lugar para dalhin si Candice.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon