CHAPTER 21

156 7 0
                                    

  Nakauwi na ng bahay si Aiden ngunit hindi pa siya pumapasok sa loob. Nakatingin lamang siya sa paligid ng bakuran habang nakaupo ng padekwatro sa isang upuan na nasa harapan ng bahay.

Lumilipad ang utak ni Aiden. Tumatakbo sa kanyang isipan ang mga pinag-usapan nila ni Indigo. Ang mga sinabi nitong bumuhay sa kanyang loob at nagpatunay na nandito sa Maynila ang kakambal na si Asha at anumang araw mula ngayon ay pwedeng mag-krus na muli ang kanilang mga landas.

Huminga nang malalim si Aiden. Nagdadalawang-isip siya kung sasabihin niya ba sa magulang o kay Derek mismo ang mga nalaman niya. Siguradong magugulat ang mga ito sa mga natuklasan niya.

"Sasabihin ko ba o huwag na muna? Sasabihin ko ba o huwag na muna?" dalawang beses na tanong ni Aiden sa kanyang sarili habang nakatitig na sa kawalan.

Isang malaking palaisipan kay Aiden kung paano napunta si Asha sa Maynila. 'May pinuntahan ba siya dito o dito lang talaga siya nagpunta para tuluyang makatakas? Tinakasan ba talaga niya si Derek? Ngunit bakit?' sa isip-isip pa niya.

Nagbuntong-hininga si Aiden. "Hindi masasagot ang mga tanong ko kung hindi ko siya mismo makakausap," sobrang hina na bulong pa niya.

Sa kabila man nang tuwa na nararamdaman ni Aiden sa napipintong pagbabalik muli ni Asha sa mga buhay nila at pagtatapos sa mga nangyayari sa buhay niya na bumago sa kanya ay nakakaramdam din siya nang pag-aalala.

Sa totoo lang, nasanay na si Aiden sa buhay na meron ngayon kasama si Derek. Sa napipintong pagbabalik ni Asha, siguradong magbabalik na din sa dati ang lahat at kahit na may parte sa kanya na gusto 'yon ngunit may parte din sa kanya na hindi. Nababagabag at naguguluhan siya sa mga iniisip niyang mangyayari sa pagbabalik ng kanyang kakambal sa mga buhay nila.

Bumuntong-hininga nang malalim si Aiden. 'Bakit ba ako nababagabag at naguguluhan? In the first place, iyon naman ang gusto kong mangyari sa umpisa pa lang. Gusto ko na makita muli si Asha para makabalik na kaming lahat sa dati naming mga buhay. Gusto kong maranasan ulit magbuhay-binata at maging masaya na si Derek sa piling ni Ate,' aniya pa sa kanyang isipan.

Muli na lang nagbuntong-hininga nang malalim si Aiden.

Samantala, lumabas mula sa pintuan ng bahay si Derek. Nakasuot ito ng knitted shirt na kulay gray at semi-fit jeans. Halatang may pupuntahan ito.

Tiningnan ni Derek ang suot niyang rubber shoes na magkahalong puti at itim ang kulay. Tipid siyang napangiti.

Huminto si Derek sa pintuan at napatingin sa gilid. Kumunot ang kanyang noo nang makita si Aiden na tulalang nakaupo doon.

'Bakit siya tulala? Hindi ba maganda ang nangyari sa date nila ng babae niya?' sa isip-isip ni Derek.

Nagkibit-balikat na lamang si Derek. "Pake ko ba?" bulong pa niya.

Tuluyang lumabas si Derek at naglakad papunta sa gate.

Napansin naman ni Aiden si Derek. Kumunot ang noo nito nang makita ang binata na naka-porma.

"Derek!" malakas na pagtawag ni Aiden kay Derek.

Huminto naman sa paglalakad si Derek at nilingon si Aiden. Kumunot ang noo niya. "Bakit?" tanong niya.

Tumayo si Aiden. "Saan ka pupunta?" tanong niya.

Hindi sumagot si Derek at nanatili lamang siyang nakatingin ng diretso kay Aiden.

"Pwede ba akong sumama?" dugtong pa ni Aiden na hindi na nahiya.

Again, hindi sumagot si Derek at nakatingin lamang siya ng mataman kay Aiden.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon