CHAPTER 28

153 7 0
                                    

Papasikat na ang araw nang matapos si Derek sa pagluluto. Isa-isa na niyang inilagay sa mga mangkok at plato ang mga pagkaing niluto niya at inihain ang mga ito sa lamesa.

Napangiti si Derek ng siya'y matapos sa paghahain at pag-aayos ng lamesa. Tiningnan niya si Aiden na nakahiga pa rin sa kama at tulog na tulog pa rin.

Pamaya-maya ay napahinga ng malalim si Derek nang maalala niya ang mga pinag-usapan nila kagabi. Tipid siyang ngumiti. Iniintindi na lamang niya ang mga sinabi sa kanya ni Aiden pero sa likod nito ay ang kalungkutan at mayroon ding pagkadismaya.

Napailing-iling na lamang ng kanyang ulo si Derek saka umalis sa kusina. Naglakad ito palapit sa kinaroroonan ni Aiden para gisingin na ito at nang makakain na ng almusal.

Kumukunot ang noo ni Derek at mas tiningnan niya ng mabuti si Aiden habang nakahiga ito. Namumutla at pikit na pikit ang mga mata ni Aiden at napapansin niya rin ang panginginig ng maputla nitong labi at katawan. Ang kumot na nakabalot sa katawan nito ay nakatalukbong hanggang sa leeg at parang lamig na lamig.

"Ano'ng nangyayari sa kanya?" nagtatakang tanong ni Derek.

Mas lalong lumapit si Derek kay Aiden at pinagmasdan ito. Hanggang sa maisipan niyang salatin ang noo nito pero kaagad din niyang inilayo ang kanang kamay dito.

"Sh*t! Sobrang init mo!" Nagulat at biglang nataranta si Derek. Tila napaso siya sa paghawak sa noo ni Aiden.

Muling sinalat ni Derek ang noo ni Aiden. Doon niya napagtanto na mataas ang lagnat nito.

"Aiden," pagtawag ni Derek dito saka tinapik-tapik ito ng bahagya sa kanang pisngi.

Bahagyang idinilat ni Aiden ang kanyang namumungay na mga mata. Tiningnan niya si Derek na bakas ang sobrang pag-aalala sa mukha. Nanghihina ang katawan ni Aiden. Init na init din ang pakiramdam niya at nilalamig rin.

"May lagnat ka," ani Derek. "Baka dahil ito sa natamo mong pulikat kaya ka nilagnat," sabi pa nito.

Hindi sumagot si Aiden. Muli lamang niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi naman alam ni Derek ang gagawin. Sobra siyang nag-aalala para kay Aiden.

Hanggang sa maisipan ni Derek na kailangan niyang punasan si Aiden para kahit papaano ay guminhawa ang pakiramdam nito.

Bumalik si Derek sa kusina at inihanda ang mga gagamitin niya. Nagpakulo na rin siya ng tubig dahil kailangan niya nito. Naglagay siya ng malamig na tubig sa palanggana. Mga kalahati nito ang nilagay niya saka niya lalagyan ng mainit na tubig para maging maligamgam. Nang maihanda na niya ang lahat ay saka niya binalikan si Aiden. Humila siya ng upuan saka doon naupo. Ipinatong niya sa lamesang nasa gilid ang palanggana kung saan nakalublob sa tubig ang bimpo.

Kinuha ni Derek ang bimpo saka iyon piniga para maalis ang sobrang tubig pagkatapos ay muli niyang tiningnan si Aiden. Napahinga siya ng malalim saka niya inililis pababa ang kumot na bumabalot sa katawan ni Aiden. Mas lalong nanginig ang katawan ni Aiden dahil sa naramdamang lamig.

"Pupunasan lang kita para gumihawa kahit papaano ang pakiramdam mo," sabi ni Derek kay Aiden.

Nanatili naman si Aiden na nakapikit at walang sagot. Napabuntong-hininga na naman si Derek saka kinuha niya ang kanang kamay ni Aiden. Hinawakan niya iyon saka sinimulang punasan ang braso nito simula sa itaas hanggang sa kamay. Isinama rin nitong punasan ang kili-kili ni Aiden.

"Hmmmm..." napapaungol si Aiden dahil sa pagpupunas ni Derek sa kanya.

Matapos punasan ni Derek ang isang braso ni Aiden ay ang kabila naman. Matapos niyang punasan ang kabila ay muli niyang nilubog sa maligamgam na tubig ang bimpo saka iyon kinusot at piniga doon.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon