CHAPTER 29

150 8 1
                                    

Dahan-dahang bumangon si Aiden mula sa pagkakahiga. Naupo na muna siya sa ibabaw ng kama saka humikab ng pagkalaki-laki.

Ayos at magaan na ang pakiramdam ni Aiden. Hindi na rin nananakit ang kanyang isang paa. Dahan-dahan siyang umalis sa kama saka tumayo. Napangiti siya nang makaya na niyang tumayo.

"Oh? Okay na ba ang pakiramdam mo at gumagalaw-galaw ka na?" tanong ni Derek na kakapasok lamang sa kubo at nakita si Aiden. Dali-dali itong lumapit sa kanya.

Napatingin si Aiden kay Derek. Ningitian niya ito. "Okay na ako," sagot niya.

Sinalat ng palad ni Derek ang noo ni Aiden. Napangiti ito dahil hindi na nga mainit si Aiden senyales na wala na itong lagnat.

"Mabuti naman at magaling ka na," ani Derek. Inilayo na nito ang kamay sa noo ni Aiden.

Tumango-tango na lamang si Aiden sa sinabi ni Derek. "Magbabanyo lang ako," pagpapaalam niya.

"Sige," sagot na lamang ni Derek saka ningitian si Aiden.

Napangiti na lang din si Aiden saka umiwas nang tingin kay Derek. Nakasunod ang tingin ni Derek kay Aiden na naglalakad na papunta sa likod ng bahay dahil nandoon ang banyo. Kumurba ulit ng ngiti ang labi niya.

"Salamat naman at gumaling na siya," bulong ni Derek na gumaan din ang pakiramdam dahil ayos na si Aiden.

---

"Ayaw mo ba talagang tulungan kita?" tanong ni Aiden kay Derek. Nakaupo ito sa upuan na kawayan habang nakasunod ang tingin kay Derek na abala naman sa pawawalis ng sahig.

Sandaling napatigil si Derek sa ginagawa at tiningnan si Aiden. Ngumiti siya. "Kaya ko na 'to. Magpahinga ka pa dahil baka mabinat ka naman kung magkikikilos ka na kaagad," aniya pa.

Tumango-tango na lang si Aiden. Mas lalong napangiti si Derek saka umiwas nang tingin kay Aiden at ipinagpatuloy niya ang pagwawalis.

Tahimik lamang si Aiden na nakaupo habang pinapanuod si Derek sa ginagawa. Dahil walang suot na kahit sando man lang si Derek ay kitang-kita niya ang bawat pag-flex ng muscles nito sa braso at ang nangingintab na likod at dibdib saka abs nito. Masasabi niyang makisig talaga si Derek at pwepwede itong maging modelo.

Muling napatigil si Derek sa pagwawalis at tiningnan si Aiden. Nararamdaman kasi niya ang pagtingin nito sa kanya. Napangiti siya.

"Alam kong gwapo at macho ako pero huwag mo naman akong titigan ng ganyan kasi baka bigla na lang akong malusaw dito," pagbibiro ni Derek kay Aiden.

Biglang nahiya si Aiden kaya bigla itong umiwas nang tingin kay Derek. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi.

Natawa naman si Derek sa nakitang reaksyon ni Aiden. 'Ang cute niya talagang mahiya,' sabi niya sa kanyang utak.

Muling nagpatuloy si Derek sa paglilinis habang lihim naman siyang tinitingnan ni Aiden saka ngingiti na para siyang tanga.

---

"Pagkatapos mong magbihis ay sumunod ka sa akin sa labas. Doon tayo kakain," ani Derek kay Aiden. Nasa loob ng banyo si Aiden habang nasa labas naman si Derek.

"Bakit sa labas?" nagtatakang tanong ni Aiden kay Derek. Gabi na tapos sa labas pa sila kakain.

"Basta," nangingiting sagot ni Derek. "Sumunod ka dun, okay?" dugtong pa niya.

"Okay," sagot na lamang ni Aiden saka ngumiti.

Narinig ni Aiden ang mga yabag ni Derek palayo ng banyo. Nagmadali na siyang isuot ang short niya.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon