CHAPTER 31

74 4 0
                                    

Nasa loob ng banyo si Aiden at naliligo. Hubo't-hubad siya sa loob at abalang sinasabon ang sarili.

Samantala, pumunta naman si Derek sa likod ng bahay at lumapit sa pintuan ng banyo.

"Aiden!" pagtawag ni Derek kay Aiden mula sa labas.

Napatigil naman sa pagkuskos ng sabon sa kanyang kili-kili si Aiden at lumingon sa pintuan ng banyo.

"Aiden!" pagtawag muli ni Derek mula sa labas saka kumatok sa pintuan ng banyo.

"Bakit?" tanong ni Aiden.

Napangiti si Derek nang marinig niya ang boses ni Aiden. "Gusto mo bang sumama sa palengke?" tanong niya.

'Palengke?' tanong ni Aiden sa isipan.

"Bibili ako ng mga kulang natin dito sa bahay. Kung sasama ka, bilisan mo na lang maligo para makaalis na tayo kaagad," ani Derek na nakatayo sa labas ng banyo.

Napapaisip si Aiden. Tiningnan niya ang kanyang sarili. Nagsasabon pa lamang siya at matagal-tagal pa bago siya matapos kaya tiyak na maghihintay sa kanya si Derek.

"Hindi ako sasama," sagot ni Aiden matapos niyang mag-isip. "Ikaw na lang ang pumunta," sabi pa nito.

Kumunot ang noo ni Derek. "Sure kang hindi sasama?" tanong niya.

"Oo," sagot ni Aiden.

Tumango-tango si Derek. "Oh sige, ikaw na munang bahala dito sa bahay. Hindi ako magtatagal at babalik din ako kaagad," sabi ni Derek kay Aiden.

"Okay," sagot na lamang ni Aiden.

Napangiti si Derek sa sagot ni Aiden saka inayos na muna niya ang sarili at umalis na sa harapan ng banyo.

Kumibit-balikat na lamang si Aiden saka ipinagpatuloy ang paliligo.

---

Sakay ng tricycle ay nakarating si Derek sa palengke. Hindi naman ito masyadong malayo mula sa bahay at gumugol lang siya ng mahigit sampung minuto sa byahe.

Pumasok si Derek sa palengke at tiningnan ang paligid. Maraming pwedeng bilhan lalo na ng mga pagkain.

Hindi naman alintana ni Derek na may mga napapatingin sa kanya lalo na ang mga babae na animo'y naging bulate na inasinan dahil sa kilig. Sa tingin nila ay dayo si Derek at galing sa syudad at dahil doon ay gwapong-gwapo ang mga ito sa binata.

Ang mga matatanda namang tindero at tindera ay inaalok siyang bumili ng mga paninda. Titingin lamang si Derek sa mga ito saka ngingiti para hindi naman siya maging bastos sa paningin ng mga ito.

Nagsimulang mamili si Derek. Nasa utak na niya ang mga bibilhin at hahanapin na lamang niya ang mga iyon.

Pumunta si Derek sa lugar ng mga nagtitinda ng isda. Todo alok sa kanya ang mga tindero at tindera na bumili at ang iba ay mga babaeng nagwagwapuhan sa kanya.

"Ano'ng hanap nila, kuya? Sariwang isda ba? Ito mga sariwa."

Napatingin si Derek sa isang stall. Nakita niya ang tindera doon na mukhang kasing edad niya. Maganda, cute at sexy ito saka hindi katangkaran. Tiningnan niya ang tinitindang mga isda ng babae. Iba't-ibang klase ng sariwa na isda. Lumapit si Derek sa stall na iyon saka tiningnan isa-isa ang mga paninda.

"'Yan Kuya, may bangus, tilapia, galunggong, sapsap. Ano bang hanap mo?" tanong ng tindera kay Derek.

Napangiti si Derek. Bigla niyang naisip na magluto ng sinigang na tilapia. "Hmmm... sige bigyan mo ako ng isang kilo na tilapia saka galunggong," aniya.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon