CHAPTER 34

138 8 0
                                    

Mabagal na naglalakad sina Aiden at Derek papunta sa bahay nila. Simula nang umalis sila sa palengke hanggang sa makarating sila dito sa pangpang ay tahimik sila at walang gustong maunang magsalita.

Nakatingin lamang si Aiden sa nilalakaran nila at ganoon din si Derek. Kapwa iniisip nila ang mga kasalukuyang nangyayari na may kinalaman si Asha. Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala si Aiden sa mga nalaman. Para itong sirang plaka na paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isipan. Masasabi niya sa kanyang sarili na kahit kambal man sila ni Asha ay may mga bagay pa na hindi niya alam tungkol dito at hindi niya ito lubusang kilala. Sabagay, hindi nga pala niya hinayaan ang kanyang sarili na mas kilalanin pa ang kakambal at sa halip ay pinili niya na layuan ito.

Bumuntong-hininga si Aiden. Narinig naman ni Derek ang pagbuntong-hininga ng malalim ni Aiden. Sinulyapan niya ito hanggang sa tuluyan niya itong tingnan.

"Are you okay?" tanong ni Derek kay Aiden na pumutol din sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

Tiningnan ni Aiden si Derek. Ngumiti siya ng maliit. "Ikaw nga ang dapat na tinatanong ko kung okay ka lang," sabi niya.

Napangiti nang tipid si Derek. Huminto siya sa paglalakad kaya hininto rin ni Aiden ang kanyang mga paa. Hinarap nila ang isa't-isa.

"Tara at maupo na muna tayo," aya ni Derek kay Aiden.

Tumango-tango na lamang si Aiden bilang pagpayag sa gusto ni Derek. Pumunta silang dalawa malapit sa dagat pagkatapos ay magkatabi silang naupo sa buhanginan ng pa-indian sit. Pinagmasdan nila ang malawak na dagat at ang kalangitang kumukulimlim na. Ang araw ay tila nagtatago na sa mga ulap dahil hindi na ito masyadong maaninag.

Namayani muli ang katahimikan sa pagitan nila Aiden at Derek. Pamaya-maya ay napatingin na lamang si Aiden kay Derek dahil naramdaman niya ang pagsandal ng ulo nito sa kanyang kanang balikat. Napangiti siya ng tipid.

Sa kanilang dalawa, ramdam ni Aiden na mas masakit para kay Derek ang mga nalaman. Nakita niya noon kung paano mahalin nito si Asha ng buong puso na tila nasayang lamang dahil sa... napailing-iling na lamang si Aiden.

"Pwede kang umiyak, pwede mo akong suntukin ng paulit-ulit para gumaan ang pakiramdam mo. Pwede mong gawin ang lahat sa akin para makabawi ako sa lahat ng nagawa ni ate sa'yo," seryosong sabi ni Aiden. "Isipin mo munang ako siya habang sinusuntok ako," aniya pa. Tatanggapin niya ang ganti ni Derek para lang gumaan ang loob nito.

Tiningnan ni Derek si Aiden habang nakaunan pa rin ang ulo niya sa balikat nito. Hindi ito nagsalita.

Huminga ulit ng malalim si Aiden. "I'm sorry," sincere na pagso-sorry niya kay Derel. "I'm sorry sa mga nagawa ni Ate sayo," dugtong pa niya.

"Hindi mo naman kailangang mag-sorry sa'kin," sabi ni Derek. "Hindi naman ikaw 'yung tumakas sa kasal at nanakit sa akin," sabi pa nito.

Umiling-iling si Aiden. "Hindi man kami close pero pagbalig-baligtarin ko man ang mundo, kakambal ko siya. Pakiramdam ko, ako rin ang may gawa ng ginawa niya kasi kadugo ko siya," aniya.

Kumurba nang maliit na ngiti ang labi ni Derek. "Wala kang kasalanan. Huwag mong sisihin mo," pakiusap niya kay Aiden. "Isa pa, sa tingin mo ba kaya pa kitang pagbuntunan ng sisi at saktan ngayon?" tanong pa niya. "Mas nanaisin ko pang may ibang gawin sa'yo kaysa ang suntukin ka," bulong niya pa.

Nanatili nakatingin si Aiden kay Derek. Hindi ito nagsalita.

"Hindi na kita kayang saktan... kasi kapag ginawa ko iyon, mas doble 'yung balik na sakit sa akin at baka hindi ko na kayanin," seryosong sabi pa ni Derek.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon