62nd Chapter
Pyre Barachael
"Fire, wake up, please. Fire!"
Brim?
Sobrang sakit ng ulo ko, di ko maidilat ang mga mata ko.
"Anak, gumising ka. Kailangan ka namin, Pyre." nangungusap na sabi ni Papa,
Naghintay ako sa boses ni Zed. Si Zed ang gusto ko pang marinig pero wala.
Pinilit kong idilat ang mga mata ko.
"Zed." bulong ko,
"Nasaan si Zed?"
"Please! Move away from the patient! We have to replace her bandages again!"
Kunot noong umalis si Brim at tumango lang si Papa.
"Nasaan ako? Sino ka?"
Lumambot ang itsura ng babae.
"I'm Dra. Adriano at nandito ka sa ospital. We're preparing you for an operation, may mga blood clot ka sa—"
Si Declan! Siya ang gumawa sakin nito!
Si Johanna...
Unti unti ay bumabalik sakin ang mga nangyare.
Si Raja. Ang Quadra. Si Zed.
"Pinatay ni Zed si Raja. Dahil sakin."
Bumuhos ang luha ko. Hanggang sa hindi ko na napigilan at sumigaw ako sa sobrang pagdadalumhati para kay Zed.
She lost everything again.
My friend who always tries to keep everything together failed.
"What the hell?! Bakit nandito yan?!"
Natigilan ako ng marinig ang boses na yun.
Sumugod ito sa tabi ko at dinuro ako.
"This patient was said to be operated an hour ago! Umakyat na si Dr. Henares sa taas kanina pa!" galit na galit na sabi ni Sybil,
Agad akong nagtaka.
"BRIM!"
Nabulagbog ang pag iisip ko sa sigaw ni Jeptha. Duguan ito at mukhang napuruhan.
"Nandito si Erinys! Wala siya sa sarili! Napuruhan siya ni Raja sabi ni Ballisti!"
Nagkatinginan kami ni Brim.
"Fuck! Nasaang floor si Dr. Henares?" baling ni Brim kay Sybil,
Mabilis na kumilos si Brimstone, hinawi nito si Sybil matapos na sabihin nito nung saang palapag naroroon si Dr. Henares. Nagtakbuhan sila kaya pati ako ay sumunod, humabol sakin ang ilang nurses at doktor pero wala akong pakielam.My head was pounding and I can feel the blood dripping on my face again.
"Zed."
"Zed."
Please. Be okay. Zed.
"I promise I'll behave. Hindi ko na sasaktan ang kahit sino, susundin na kita palagi." I whispered to myself as I run.
Nauuna sakin si Jeptha at Brim, habang si Sybil ay nasa likod ko, nahuhulo ito sa pagtakbo.
When we reached the floor, bumungad samin ang pinto ng OR.
"Tangina!" utas ni Brim,
Dugo. Maraming maraming dugo ang umaagos mula sa ilalim ng pinto.
Naunang lumakad si Jeptha at ng nasa tapat na ng pinto ay binuksan niya ito pero ayaw bumukas kaya naman pwersahan nilang sinipa iyon ni Brim hanggang sa masira ang pinto.
BINABASA MO ANG
Pyromania
RomancePYROMANIA py·ro·ma·nia\ˌpī-rō-ˈmā-nē-ə, -nyə\ noun : an irresistible impulse to start fires _________________________________________ Mercedes Irving has always been a good daughter, sister, friend and an outstanding student. Lahat na iyan ay pinagh...