28th Chapter
Zed Gabriel
Habang nagdidiscuss, masasabi kong mas lalong gumaling magturo si Sir Julian, he's one of the best interns 5 years ago, ngayon full time mentor na pala siya ng school.
Good for him. He moved forward, like everyone else.
"And before we end this, your first project people!" masayang turang nito.
Tsk. Sabi na eh.
"'Who or what is it that you love the most?' Create a video presentation that will represent the answer to that question. Deadline would be a week from now, and to make it more exciting. Sa may pinakamagandang presentation, may prize kayo sakin."
"Anong prize Sir?" tanong ng isa naming ka-block.
Tumingin ako sa bintana dahil alam kong sakin titingin si Sir Julian.
"Kung ano ang gusto niyo. As long as I can fund it of course." tawa niya, "5 years ago, nung intern pa ko, nagpaganito rin ako. Yung estudyanteng napili ng faculty, sila ang magiging panel, hiningi yung anak ng Alaskan Malamute ko. Yun ang napili niyang prize."
"And also, once your presentation was chosen. We'll play it sa lahat ng monitor sa cafeteria, para cool."
He ended the class after a few more discussion about the project. Pinauna na namin ang maarte namin kaklase bago lumabas ng room, and just when I was about to go out, naramdaman ko ang pagtapik ni Julian sa balikat ko.
"Can I have a minute with you?" sabi niya, nagtaka sila Pyre habang nakatingin sakin.
"Mauna na kayo. Hintayin niyo ko sa baba."
"Siguraduhin mo lang ha! Mamaya hihintayin ka namin tas nauna ka na pala!" bulyaw ni Pyre,
"Susunod ako." sabi ko ulit, tumango sakin si Nao at hinila na si Pyre.
"Nagkita na ba kayo?" tanong nito,
Umiwas ako ng tingin sa kanya at tinuon ang atensyon ko sa bandang kanan, mula dito sa 3rd floor ay kitang kita ko ang malawak na soccer field. Doon ang venue namin noon pag events, nakakapagtaka lang dahil kahit nageenjoy ako roon dati, hindi ko iyon namimiss gawin. Ngayon, ayoko muna talagang makilagsocialize sa tao hangga't maaari.
"Ang balita ko, hindi siya sumunod sa Uncle niya, hindi siya nagtraining sa Amerika. Nanatili siya rito at pinagpatuloy ang pag-aaral. Medisina ang kinuha niyang kurso." kwento pa niya,
Nabigla ako oo, pero walang reaksyong lumabas sakin. Ang buong akala ko ay sumama siya kay Joaquin, na sinunod niya ang pamilya niya, ang pangarap niya.
"Kung gayon, mas matimbang sa kanya ang pag-aaral ng medisina kaysa sa paglalaro." walang emosyon kong sabi,
"Siguro nga. Wala naman kasing kasiguraduhan ang mundo ng basketball lalo na't may injury siya. Alam niya yun kaya mas pinili niya 'to."
Hindi ako sumagot. Dahil di ko alam ang sasabihin ko, mas lalo lamang naging miserable ang pakiramdam ko.
Araw-araw, pinilit kong wag masyadong isipin ang taong iyon, gabi-gabi pinilit kong hindi makatulog dahil alam ko, alam kong kasama ng mga taong pinaparusahan sa mga bangungot ko, nandun rin siya. And that's just cruel, to see his face when I'm awake, and still able to see him while asleep. It's cruel, fates are too damn cruel.
"Ikaw? Anong nangyare sayo?"
"Ang sabi niya'y umalis ka. Sumama sa tunay mong pamilya." Patuloy nito.
Tikom ang bibig ko. Wala akong masabi, marinig ko palang ang mga tanong na yan, ang kwento na yan, nabablangko na agad ang utak ko. Kalmado, masyadong kalmado ang sistema ko, di makuhang bumalik sa nangyare noon.
BINABASA MO ANG
Pyromania
RomancePYROMANIA py·ro·ma·nia\ˌpī-rō-ˈmā-nē-ə, -nyə\ noun : an irresistible impulse to start fires _________________________________________ Mercedes Irving has always been a good daughter, sister, friend and an outstanding student. Lahat na iyan ay pinagh...