39th Chapter: Which

134 3 0
                                    

39th Chapter

Zed Gabriel

Kanina pa nag-iinit ang batok ko sa lalaking kanina pa ang masama ang tingin sakin. He's with his fiance, bakit kung saan saan siya nakatingin?

"I didn't ask him to bring anyone. I swear." bulong sakin ni Rax habang palabas na kami ng Troia. Ang lugar na madalas tugtugan ni Rax.

"Ayos lang. Huli naman na 'to. Next week, pupunta ka ng Japan para doon ituloy ang karera mo. Tapos na ang laro mo dito, Rax." mataman ko siyang tinignan,

"Hindi pa ko handa, Zedie. Ayoko pang bumalik." inis na sabi nito,

Umiling ako sa kanya. Alam kong may atraso ako pero hindi ko hahayaang manatili siyang ganito. Lalo na't hindi ko siya mapagtutuonan ng oras ilang buwan mula ngayon.

This place. This lifestyle. And this phase of his life is dangerous. Many times had he tried to stay away from the underground pero hinihila parin siya nito pabalik. Simply because he couldn't exist in the world where his brother lives. Fucking family issues. Kaya dito ang bagsak niya. Leaving the spotlight, camera flashes and the comfort of a promising future. Ipinagpalit niya ang mga iyon sa sugal, bisyo, at underground music.

"When will you be ready? Kapag patay ka na? Do not waste your life here. Hindi ka para dito. No matter how good you are at it. You still don't belong here." may diin kong sabi sa kanya,

"And you? When will you be ready? You keep asking me the question you yourself can't answer Zedie." he leaned forward until we're almost face to face. "He's here. The love of your goddamned life, Zedie. With a woman he's trying so hard to love just so he could forget you. And here you are hiding. Just like me."

He smirked at me before turning away. Nauna na itong lumabas habang ako ay di parin matunawan sa sinabi niya. Sumunod lang ako nang mapag-isip isip na ako nga pala ang hinihintay ng mga tauhan ko sa labas.

Seeing him in a suit makes my sinful mouth dry. Dalawang beses ko palang siya nakitang pormal. Una ay nung gabi na nagsimba kami kasama ang pamilya niya, pangalawa ay nung nasa Aspen kami at ngayon ang pangatlo. Di ko tuloy alam kung paano babaklasin ang tingin sa kanya.

Kaya naman minadali ko ang pakikipag-usap sa mga inatasan kong magbantay kay Rax. I'm pretty sure he won't come back anytime soon, bukod sa nageenjoy pa siya sa buhay invisible mukhang ayaw pa talaga niyang harapin ang pamilya niya.

Part of me was guilty for what happened to Rax. Eversince we became friends I knew that I was one of those few people he trust and in the end, binigo ko lang din siya. So I'm doing the best that I can to make up for it. It was about a year ago when I heard about his group being disbanded, malaking pasabog iyon sa media dahil naging maingay ang nabuong banda ni Rax lalo na nang lumabas doon na ang dahilan ng pagkakadisbanded ay ang paggamit ni Rax ng droga. And that made me so furious I came looking for him.

And that brought me to this situation. I ended up giving him a new band to start, in short, kinukunsinti ko siya sa mga gusto niyang gawin. Tignan mo tuloy kung nasaan akong sitwasyon. Ponieta.

Later on, Rax and his bandmates left habang ako at si Pyre ay naiwan. Mula sa gilid ko ay kita ko ring hindi pa umaalis sila Everest.

"Ang tagal naman ni Brim." Naiinip kong bubod,

Hindi ako mapakali habang naghihintay na sunduin ni Brim si Pyre dahil nandyan parin si Everest! Ano ba problema niyan?! Ba't di pa siya umaalis? Kating kati narin akong manigarilyo, nakakaramdam na ko ng gutom at iba pang bagay...

"Ayan na! Mukhang galing trabaho si Brim ah?" dungaw ni Pyre sa papalapit na sasakyan. Nun lang ako medyo nakahinga ng maluwag.

Huminto ito at niluwa si Brim na nakauniporme pa. Kumislap ang mga mata nito ng makita ako.

PyromaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon