41st Chapter: Hunger

124 2 0
                                    

41st Chapter

Pyre Barachael

Pinagpapawisan ako ng malamig dahil sa naabutan naming eksena. Sa ilang beses kong nasaksihan kung gaano kabrutal si Zed, hindi ko parin kailanman masasanay ang sarili ko tuwing nagiging ganun siya.

Tulad ngayon.

Hindi rin nakatulong na nandito si Everest. Sigurado akong hindi gusto ni Zed na masaksihan ni Everest ang gagawin niya. Kaya naglakas loob akong lapitan si Zed. Kahit na nanginginig ang tuhod ko sa takot.

"Erinys." Lumuhod ako sa harap niya, "I-ipaubaya mo na samin ito. Hayaan mong kami na ang umayos nito..." mautal-utal kong salita,

She didn't even look my way. Sa halip ay humawak pa ito sa ulo ng lalaki. Halos manlaki ang mata ko sa paraan ng paghawak ni Zed! And I know that she's ready to tear his head off!

"Mercedes!" malakas na tawag ni Everest kay Zed,

Hindi parin lumingon si Zed pero nakangisi na ito ngayon sa lalaking nasa ilalim niya.

"Maswerte ka." utas nito sabay hila sa braso ng lalaki! She pulled it with so much force that I was so sure she's gonna tear it off! But she stopped as soon as the skin broke and the blood started to flow.

Nabalot ng sigaw ang buong lugar at maski ako ay parang nasaktan para sa lalaki. Mas lalo akong pinagpawisan, nanginginig ang mga kamay ko at nanlalambot ang mga tuhod sa nasaksihan.

Zed stands up. Pinupunas na nito sa itim na pantalon ang duguang kamay. Her dark short messy hair emphasizes her beautiful but grim maniac face.

"Sakto ang pagdating mo." malamig na sabi ni Zed kay Everest,

"May pasyente ako para sayo." dagdag ni Zed,

Mabilis akong lumapit sa lalaki sa pag-aakalang iyon ang tinutukoy ni Zed, pero nagkamali ako dahil nilagpasan kami nito.

"T-tutulungan m-mo ko!!!" kapit sakin ng lalaki, takot na takot ito at halos habulin ang paghinga.

"Jepoy! Dalhin natin sa loob ito!" tawag ko kay Jeptha, pero umiling ito sakin.

"Walang utos si Erinys na gamutin ang lapastangang iyan, Pyre. Ipagpaubaya mo na yan sa iba." walang emosyong sagot sakin nito saka sumunod kay Zed papasok ng bahay namin.

Pumasok ako nang mabigyang lunas ang pinsala nung lalaking pinuruhan ni Zed. Hanggang ngayon ay nanginginig ang kamay ko at nanlalambot ang tuhod ko sa takot. Pero bakit ba nagugulat parin ako? She can do worse than that. Wala pa yan sa mga kaya niyang gawin sa mga taong nagsubok na kumanti sa mga nasasakupan niya...

Sa sala palang ng munti naming tahanan ay kita ko na kung sino ang ginagamot ni Dr. Henares.

Si Tata Appe...

"Ayos lang ako Erinys. Ang mahalaga ay buhay ako hindi ba?" mahinang mahina ang itsura ng matanda habang nakahiga sa banig na nakalatag sa sala. May benda ito sa ulo at halos sa buong katawan.

Hindi nagsasalita si Zed. At iyon ang pinaka nakakatakot sa lahat. Yung katahimikan niya.

"He needs to be in the hospital, Mercedes." sabi ni Everest,

Agad na tumango si Zed at nilipat ang tingin sakin.

"Ipatawag mo si Pan at dalhin ninyo si Felipe sa LSMH." matigas na utos ni Zed,

"Kami na ang bahala." sagot ko at hinila si Jeptha pero tinawag ni Zed ang pangalan nito kaya napatigil kami.

"Maiwan ka Jeptha. May iuutos ako sayo." mahina ang pagkakasabi ni Zed, na para bang nawalan ito nang lakas. Nang lingunin ko siya ay halos mapaatras ako. There's something different with her gaze. Something unnerving...Sa itsura niya ay parang pinipilit nitong gisingin ang sarili, dinidiinan ang pagpikit o di kaya'y bahagyang inaalog ang ulo but her sharp and hungry eyes didn't change at all especially now that she's looking at Everest.

PyromaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon