37th Chapter
Zed Gabriel
Parang nagdidilim ang paningin ko sa dugong nakita sa sahig at sa impormasyong kinuha ni Pyre si Everest dahil sa maling hinala nito. Kaya nang magising si Pyre ay di ko napigilan ang bibig ko sa pagsasalita ng hindi maganda. Maging si Brim ay naging tensyonado dahil sa mga salitang binitiwan ko.
"Iwan mo ko. Puntahan mo ang Ama mo Brim at siguraduhin mong walang susunod sa kanila." sabi ko,
"Pero wala kang lead kung sino at saan dinala si Everest. Kailangan mo ko at ang mga tauhan ko." pilit nito,
Nilingon ko siya at nilahad ang palad ko. Napapikit si Brim at inabot sakin ang phone niya at susi ng sasakyan. Walang imik kong kinuha iyon saka siya tinalikuran.
Mabilis kong tinawagan si Froi para hingan ng pabor, agad agad rin ay binigay nito sakin ang impormasyong kailangan ko. At dahil dun mabilis kong natrace kung sino ang informant ni Pyre.
Mas lalo akong nairita. She's been fooled. Pero hindi ko mapagkakailang matalino talaga ang nanloko sa kanya. It's like a fucking set up for Pyre and Everest na nagreresulta ng pagkakadispatsya nilang dalawa.
And all because of me.
Nagtagis lalo ang bagang ko dahil doon at nagsimula ng magmaneho. Hindi pa man din ako nagtatagal sa labas ng Valuarte gusto na nila agad bumalik ako. Hindi bale. Kung gusto nila kong makita, pagbibigyan ko sila basta ba handa silang harapin ako sa pagdating ko. Dahil sinisigurado kong mananagot silang lahat sakin.
Lumipas ang ilang minuto sa aking pagmamaneho, palabas palang ako ng syudad ay nakatanggap na ko ng tawag mula kay Jeptha.
"Jepoy." sagot ko,
"May paanyaya sina Johanna sa Valuarte, ang sabi sakin babalik na raw tayo doon. Totoo ba, Erinys? Paano ang mga plano natin?" naguguluhang sabi ni Jeptha.
"Wala akong utos na ganun. Diyan lang kayo. Ako na ang babalik." pinatay ko ang tawag at mas binilisan ang pagmamaneho.
Dumating ako sa Rehabilitasyon. Nagtataka ang mga itsura ng gwardiya hanggang sa pumasok ako sa loob. Sa loob ng Rehabilitasyon ay ang Valuarte, kung saan tinatapon ni Ama ang mga taong nagkakasala upang bigyan sila ng pagkakataong magbago. Hindi sila maaaring lumabas hangga't hindi sila pinapayagan ni Ama at kung susuway sila...
Tutugisin sila at papatayin.
Masaya ang mukha ng iba ng makita ako. Pero malayo roon ang nararamdaman ko.
"Nasaan sina Johanna?" tanong ko sa taong pinakamalapit sakin,
Nagtataka ang itsura nito, natatakot rin dahil sa tono ng aking pananalita.
"Nasa Quadra ho ni Raja, nagpapakain." napakagat ito sa labi niya, "A-at buhay na t-tao ho ang dala nila, Erin."
"Punyeta." bubod ko bago tumakbo papunta sa kulungan na tinutukoy nito,
Hindi ako makahinga sa takot. Pag-aalala. At labis na pangamba. Ito na marahil ang pinakamatinding takot na naramdaman ko matapos ang nangyare kay Gabriella ilang taon na ang nakalipas.
Nakarating ako sa Quadra at naabutan roong nakakasiyahan ang mga alaga ko. Ang grupo ni Johanna ay masayang nilulumpo ang lalaking pinakamamahal ko.
Walang mapaglagyan ang galit ko sa nakita.
He's conscious but battered and shirtless. Umaagos ang dugo sa gilid ng kanyang gwapong mukha habang nakaupo sa kahoy na silya at nakagapos.
Sa galit ko ay kinalampag ko ang rehas. At sumigaw ng pagkalakas upang makuha ang atensyon nilang apat. Lalo na ni Johanna.
BINABASA MO ANG
Pyromania
RomancePYROMANIA py·ro·ma·nia\ˌpī-rō-ˈmā-nē-ə, -nyə\ noun : an irresistible impulse to start fires _________________________________________ Mercedes Irving has always been a good daughter, sister, friend and an outstanding student. Lahat na iyan ay pinagh...