46th Chapter: Eve

132 4 1
                                    

Chapter 46

Everest Fuego Henares

The shock from her bite was what made my knees unbuckled. I couldn't even react because it all happened so fast, she was moving so quickly. The last thing I remembered was when I hugged her, making her stop before losing my conciousness.

Nagising na lang ako sa boses ng isang lalaking nagsasalita ng mabilis. Someone's putting pressure on my neck. Naramdaman ko ang pamamanhid ng mukha ko at pati na ang pagsayaw ng ilaw sa mga mata ko.

Sinubukan kong bumangon pero pinigilan ako ng taong nasa tabi ko.

"Dude, stay down." utos nito,

"Si Zed." iyon lang ang nasabi ko bago magdilim ulit ang paningin ko.

Wala akong panaginip sa hinaba ng tulog ko. I noticed the stiffness of my neck and shoulders but I didn't dare to move. I stayed in bed staring at the white ceiling, hanggang dito ay may chandelier na tulad ng nasa sala nila, but a smaller version. Pinagmasdan ko ang kwarto. The dark cherry wood flooring compliments the black, white and gold interiors of the room. Maski ang dark furnitures ng kwarto ay bumagay sa kulay nito. I can't help but admire their taste. It's antique and yet it has a modern touch.

Nahinto ako sa iniisip nang may kumatok sa pinto. Bumukas iyon at niluwa ang isang lalaki na may kargang batang babae. Tulad ng naramdaman ko nang makita ang mga kapatid ni Zed ganun din ang pakiramdam ko sa lalaking ito.

My goosebumps and instincts are all getting wild telling me to be alert. To hide or something.

"Buti at naabutan kitang gising." ngiti nito,

"My name is Kai, kapatid ni Mercedes. Ikinagagalak kitang makilala." kinamayan niya ko, kaya naman inabot ko iyon kahit na hindi ako komportable.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong nito,

"Maayos naman na ako." kabado kong sagot, di alam kung gagalangin ba siya dahil sa kapatid siya ni Zed.

Parang magkaedad nga lang sila ni Mercedes. Masyadong bata ang mga kapatid niya di malaman kung sino ang panganay at bunso. Then I realized, may kakaiba nga pala sa pamilya ni Zed. Bakit pa ako nagtataka?

Tumango ito. "Mabuti naman. Kung gayon, maaari ka nang umuwi kung gusto mo. Sabihan mo lang kami."

Napakunot ang noo ko. Hindi ako aalis nang hindi siya nakikita manlang. Ni hindi ko nga alam kung ano ang nangyare samin at bakit niya ako inatake nang ganun.

"Not before I see her." pagmamatigas ko,

Parang kumislap ang matatalim nitong mga mata. Like he's pleased but I'm not sure. Inangat nito ang batang karga, tumawa ang bata at yumakap ulit sa leeg nito.

"Bakit gusto mo pang makita ang kapatid ko? Muntik ka na niyang mapatay, Everest."

No. Wala lang siya sa tamang pag-iisip nun! I saw how she was that time, baka naghahallucinate ito dahil sa pinsalang natamo. It's possible to be aggressive once you're in a trauma from assault or any attack. And I couldn't ignore the fact that she's going through withdrawals before that incident.

"She didn't mean to do that."

"Yes. But she can't help it."

Natawa ako ng mapakla sa sinabi nito, para kasing may ibig siyang sabihin. "Hindi bampira si Mercedes. She bit me because she--"

"Hungry. Sinabi niya iyon, hindi ba?" pagputol nito,

Napalunok ako. Hindi parin tinatanggap ang sinasabi niya.

"Pero tama ka. Hindi bampira ang kapatid ko." saad nito at hinarap sakin ang batang hawak niya,

"She's cursed."

PyromaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon