35th Chapter: Avenge

103 5 0
                                    

35th Chapter

Zed Gabriel

Hindi ako kumbinsido sa plano ng boss nila Brim. Ang pagoffer ni Chuck ng truce ay kahina-hinala, bakit sila pumayag? Kaya ngayon abot langit ang inis ko sa mga gunggungin na to.

"This is an opening for us to trap them. Malaki ang organisasyon nila at si Chuck ang unang hakbang para makapasok tayo doon." Katwiran ng matandang commander.

Pinanliitan ko siya ng mata at mapang-asar na nginisihan. Agad akong nilingon ni Brim nang mapansin napasimangot ang matanda habang nakatingin sakin.

"You don't seem to be impressed. Sino ka nga ulit? At bakit ka nandito?" paninita nito.

"She's my wife, Sir." Magalang na sagot ni Brim, "She'-

"Definitely not impressed. Hindi ako sang ayon na gawing pain ang mga Barachael. That's very predictable, and damn reckless." Singhal ko. I slouched at my seat at tamad na binalingan ang matanda.

"For years. I protected them, not letting them out of my sight. Tapos ganun ang plano mo? Isabak sila dun? Baka nakakalimutan mo? Sa oras na makuha sila nila Chuck. Game over na. At pag nangyare yun papatayin ko kayong lahat dahil sa kapalpakan mo."

"Erinys!" saway sakin ng matandang Barachael, kadarating lang nito at agad na umupo sa tapat ng commander nila. Humingi pa ito ng dispensa sa sinabi ko na siyang ikinairap ko.

"Palalagpasin ko ang sinabi ng asawa mo Brimstone. Pero sa susunod ay turuan mo siya kung paano gumalang sa nakakataas sa kanya!" galit na sigaw nito, bahagyang yumuko si Brim na siyang ikinainis ko.

Tumayo ako at lumapit sa mesa nila. Tumayo rin ang matanda, na parang ipinapakita sakin na mas mataas siya, dahil dun ay gumalaw ang mga kasama niyang lalaki at sabay sabay na tinutukan ako ng armas. Pero hindi ako nagpatinag.

"Ikaw ang gumalang. Dahil ikaw ang may kailangan sa mga pag-aari ko. At sinasabi ko sayo na hindi ako pumapayag na ipain mo si Vaire, naiintindihan mo ba ko? Tanda?" puno ng panggigigil ang mga salita ko na maging ang ama ni Brim ay hindi ako pinigilan.

"Pupunta si Vaire nang kasama ako. At maiiwan ang ama niya dito sa pamamahay ko nang ligtas. At ikaw ay babalik sa lungga mo para magmasid at siguruhing makukuha niyo ang impormasyong gusto niyo. Klaro ba sayo yun?"

Namula ang mukha nito at nagsilabasan ang ugat sa sentido. Binagsak nito ang kamao sa mesa sa sobrang inis. Kaya naman tinapatan ko siya ng nanlilisik na tingin.

"Sino ka para utusan ako?! Sino ka para panghimasukan ang desisyon ng organisasyon namin?!" buong yabang ang lakas na sabi nito sa tapat ng mukha ko.

"Gusto mo bang magpakilala ako sayo? Baka magsisi ka." Mahinang sabi ko, napapilig ang ulo ko sa kanya.

"Ang mabuti pa ay hayaan na natin na sumama si Erin kay Brim. Kung gusto mong ituloy 'to, sumangayon ka na lang sa kanya Felicisimo. Dahil wala rin akong magagawa kung hindi papayag si Erinys." Sambit ng Ama ni Brim,

Masama akong tinignan ng commander. Na parang ako ang pinakamalaki niyang problema, at hindi siya nagkakamali dahil malaki talaga ang magiging problema niya sakin kapag ipinilit niya ang kagaguhan niya.

"Sige bahala kayo. Pero hindi ko sagutin ang buhay ng sibilyang iyan Barachael." Masungit na sabi nito bago umalis, sumunod sa kanya ang mga sundalo at pati na ang matandang Barachael.

"Kung ganyan kabobo ang tauhan ng gobyerno, hindi na ko nagtataka kung bakit mahina ang pwersang sandatahan ng bansang to. Punyeta siya." Buga ko kay Brim bago magsindi ng sigarilyo.

"He doesn't know you Erin, kung alam niya kung ano ka hindi-

"That's bullshit. Do I have to fucking slaughter his troops before he listen to me?! Maybe I should do that." Ngiwi ko bago talikuran si Brim.

PyromaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon