17th Chapter
Mercedes Ian Irving
I don't know what's more uncomfortable, kung yung malamig na tingin sakin ng Mommy ni Everest, ang galit na si Tatay...o itong sakit na nararamdaman ko sa pagitan ng hita ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos lalo na't hindi rin marunong makiramdam 'tong si Everest, ang sama sama na ng tingin ng Mommy niya sakin, heto parin siya at samin pa nakatabi ni Tatay.
"...Iyon ang nangyare. I will accept any punishments that is due to my actions. Again. I apologize for my behavior, Dean." magalang na sabi ni Everest matapos ipaliwanag ang nangyaring gulo kanina.
"My son has never been a part of any trouble. Until now. Pinagtanggol lang niya ang kaibigan niya, and I think you should take consideration of that." masungit na sabi ng Mommy ni Everest.
'Kaibigan' she said. Nasaktan ako sa term niya na yun pero hindi ako nagpakita ng emosyon, not in front of my Dad, no. Lalo na't emotional siya sa nalaman. Buong buhay ko, ito palang ang pangalawang beses na napatawag sa eskwelahan ang Tatay ko hindi dahil sa parangal na tatanggapin ko kundi dahil sa ibang bagay, tulad ng gulo.
Tumikhim si Tatay na siyang nagpalingon samin sa kanya. Seryoso at blangko ang mukha nito. At alam kong hindi iyon magandang pangitain.
"So, is my daughter...Obviously, harassment, physically and verbally ang nangyare so I don't see the point of calling us here." tumayo si Tatay at inabot ang bag ko mula kay Everest.
"We'll settle this through our legal counsel. Hindi ito isa sa mga bagay na pinag-uusapan lamang sa isang Dean's Office na parang away bata. That student is of legal age and should face the legal consequences of his actions." sabi nito,
Halos napanganga ang Mommy ni Everest at di nakapagsalita ang Dean namin. Nang tumayo ako para umalis, nun palang natauhan ang Dean.
"Mr. Irving! Kaya ho namin kayo pinatawag dito ay para ma-settle natin ang nangyare ng maayos. Please don't take it too personal, Mr. Okamoto was going through an emotional stress kaya niya nagawa yun-"
Naibagsak ni Tatay ang bag ko sa mesa ng Dean na siyang nagpatahimik dito. Maging ako ay natakot dahil alam kong hindi nagustuhan ni Tatay ang sinabi nito.
"He'd hurt my daughter, Madam. So it is my goddamn right to take it personally."
Napalunok ako dahil mas lalong natahimik ang Mommy ni Everest sa nasaksihan. At nang lumipat ang tingin nito sakin, agad nawala ang pagkawindang nito at napalitan muli ng disgusto.
"We'll leave now. Let's go Mercedes." aya ni Tatay kaya wala akong nagawa kundi ang kumapit sa braso nito at sumama sa pag-alis.
Nilingon ko si Everest at nakitang nakatingin din siya sakin. His Mom was saying something to him pero hindi siya nakikinig dito.
"May masakit ba sayo, Zedie?" tanong sakin ni Froi nang nasa sasakyan na kami.
'My whole body hurts' Gusto kong sabihin, lalo na itong gitnang parte, pero syempre hindi ko iyon sasabihin.
"Medyo masakit lang yung pwet ko. Nabagsak kasi ako kanina." which is true naman. "Pero okay lang. Mas ramdam ko ang gutom kesa sa sakit ng katawan." dagdag ko,
Maya-maya lang ay pumasok na si Tatay sa sasakyan. Nakasimangot ito. I pouted at him not wanting to see his bad side.
"Tatay, I want steak. Yung malaking steak." paglalambing ko, he gave me a pointed look before pulling me in his arms.
"No matter how hard I try to protect you there will always be someone who could hurt you and it's making me mad, sweetie."
My heart felt heavy at that. That's exactly how I feel whenever I see Gabriella hurt. Kaya naiintindihan ko si Tatay.
BINABASA MO ANG
Pyromania
RomantikPYROMANIA py·ro·ma·nia\ˌpī-rō-ˈmā-nē-ə, -nyə\ noun : an irresistible impulse to start fires _________________________________________ Mercedes Irving has always been a good daughter, sister, friend and an outstanding student. Lahat na iyan ay pinagh...