38th Chapter: Distance

146 4 0
                                    

38th Chapter

Zed Gabriel

Magulong hapag kainan ang sumalubong sakin sa mansyon ng mga Gabriel ngayong umaga. Pinatawag ako ni Ama dahil nalaman niya ang nangyare sa Valuarte kahapon at gusto nitong malaman mula sa akin kung ano ang buong nangyare.

"Psh. Why would you rescue someone who'd hurt you?" supladang sabi ni Ruins habang umiinom ng gatas sa Hello Kitty niyang mug, nakaupo ito sa kandungan ni Ama at masama ang tingin sakin.

Natawa si Ama sa apo at humalik sa buhok ni Ruins saka may binulong dito na siyang mas lalong nagpasimangot sa bata.

"Anyway, ano ba ang nangyare kahapon? Kamusta si Everest?" sabi ni Saab,

I slouched on my seat, pinaglalaruan ko lang ang tinidor ko sa mesa.

"Kinidnap ni Pyre at Johanna si Everest. Iyon." bored kong sabi,

"And?" usisa ni Death,

"And I punished them for it."

Tumahimik silang lahat. Saab, Seth, Death, Ran, Sage, Sheremee were all giving me a curious look. Habang si Ama ay sinusubuan si Ruins. Ang kambal na si Saaron at Rhys naman ay walang pakielam sa nangyayare, kumakain lang.

"Iyon lang ang detalyeng sasabihin mo? Sa pagkakakwento ni Ballisti, ang sabi daw sa kanya ay pinakawalan mo pa raw si Raja." taas kilay na sabi ni Seth,

Tsk.

"I was pissed off. What do you expect? Sinuway nila ko, alam na alam nila ang mga bagay na ayaw ko. At isa doon ang pakikielam sa mga bagay na wala silang kinalaman."

"What happened to Pyre, then?" Sage asked,

"She's with her brother. Ayoko munang makita siya ngayon."

Napatikhim si Saab doon. I know why he reacted that way. For Pyre, that is the most painful punishment of all, at iyon ay ang malayo sakin. Hindi ko rin iyon gusto, but she needs to learn her lesson.

The breakfast went on. Mostly, we talked about business, my plans sa Valuarte at sa compound, our schedule tonight sa pagsundo at kung ano ano pa. I couldn't eat whatever's on my plate, I've lost my appetite years ago and my tongue's searching for other...nourishment. Napabuga ako ng hangin at binitiwan ang tinidor.

"Ayos ka lang?" tanong ni Ran na nasa tabi ko,

"Ayos lang. Nagugutom ako pero ayoko nitong pagkain na 'to."

Mataman niya kong tinitigan na parang tinatantsa ako gamit ang mga kulay berde nitong mata. He raised his hand at nilapat iyon sa noo ko, nakakabit parin ang mga kadena sa palapulsuhan nito.

"When was the last time you had it?" he whispered,

"Few days ago. Ayos lang ako, I just need a smoke." tumayo na ko at lumapit kay Ama.

"Una na po ako. May klase pa ko ng alas nuebe." paalam ko,

"Hmp! Baka naman sisilay ka lang kaya maaga ka papasok!" sita ng bratinelang prinsesa ng mga Gabriel.

"Kabata mong bugnutin. Alam mo yun?" ngisi ko at pinisil ang pisngi niya,

Tumango sa akin si Ama. Kumikislap ang mga mata nito sa galak bago ako hawakan sa kamay. He patted my hand gently.

"Mag-aral kang mabuti. At dalasan mo ang pagbisita sakin." malumanay nitong sabi,

Napakunot ang noo ko. Bakit ba siya nakangiti? Ano meron? Tss.

~*~

"Zed, bakit wala si Pyre?" ikaapat na tanong na sakin ni Naomi yan, at konti na lang maririndi na ko.

PyromaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon