24th Chapter: The Beginning

117 6 0
                                    

24th Chapter

Pyre Barachael

"Saan tayo ulit mag-aaral?" tanong ko kay Mercedes, as usual, di ako pinapansin ng babaitang ito!

Hawak lang niya ang kulay gintong lighter na bigay ng kanyang Ama, pinaglalaruan ang apoy nito.

"Hoy Mercedes!" dunggol ko dito, nun lang siya humarap, blangko ang mukha at parang walang pakielam sa mundo.

"Hindi ka kasama. Ako lang." singhal niya at tumayo na saka naglakad ulit.

"Thy Covenant University? Tss. Baka masunog tayo dito ha?" irap ko at sinipa ang bato sa harap ko.

Hindi parin siya kumibo. Nakatingala lang siya sa eskwelahan, kunot ang noo.

"Huminto rin ba ang buhay mo tulad ng sakin?" bulong nito, habang nakatingala parin sa eskwelahan.

Bigla na lang siya tumawa. Yung tawa na pang baliw. Napailing ako. Ano Zed? Wala na tayo sa Valuarte, ba't parang baliw ka parin?

Bigla siyang humarap sakin, walang bakas ng pagtawa niya tulad kanina, seryoso ulit ang itsura niya.

"Umalis ka na. Di mo kailangang sundan ako Pyre."

Pshhh...aarte pa! "Sasama ako."

Hindi siya ulit kumibo. At nauna ng maglakad, sinundan ko siya kung saan siya pupunta. Parang alam na niya ang pasikot sikot sa lugar na to.

Huminto lang 'to ng makakita kami ng pila ng estudyante.

"Wag mong sabihin na pipila tayo dyan?!" reklamo ko agad.

"Sige hindi ko sasabihin." mayabang na sabi nito at iniwan ako!

Badtrip talaga 'tong babaeng to. Nasobrahan ata sa bugbog eh. Tsk. Tsk. Tsk.

Pumila kami. At muntik na kong magwala sa sobrang inip! Napakatagal naman palang magpaenrol?! Eh kung sana inutos na lang namin 'to edi sana hindi kami naghihintay! Bwisit na guard na yun, ba't kasi di kami pinapasok agad!

"May lamay ba?! Ba't ganyan ang suot nila?"

"Mukha silang adik. Natutulog pa ba ang mga yan? Lalo na yung matangkad..."

"Seriously? Dito mag-aaral ang mga yan?!" napalingon ako sa nagsalita. Awtomatikong sumama ang tingin ko sa kanila.

"Pyre..." tawag sakin ni Zed,

"Wag kang pumatol." dagdag nito,

Inalis ko ang tingin ko sa mga babaeng yun at sinunod na lang si Zed. Mahirap na, baka mapaaga ang lamay nila...

Tatlong oras. Tatlong oras ang ipinila namin at kutakot-takot na pagfifill up ang nangyare samin!

"Pota! Ang mahal naman?! Gawa ba sa ginto ang silya nila dito?!" halos sigaw ko ng magbabayad na kami sa window 7.

Kitang kita ko kung paano ako samaan ng tingin nung babae dun.

Punyeta sila! Ang mahal nyeta!

"Sabi ko sayo wag ka ng sumunod." tanging sabi nito at inabot ang check niya. Wala na kong nagawa kundi magissue na rin ng cheke.

Putang ines. Napasubo ako ah?

"Marerefund yan. Kukuha tayo ng scholarship." dagdag ni Zed, tumango ako at hinintay ang OR.

Matapos nun ay nagpaID na kami. Kinuha ang list ng requirements at mga kailangan namin.

"Alam mo yung latigo ni Ballisti? Mas gusto ko yun kesa dito sa World History na subject." sabi ko habang nakatingin sa schedule namin.

PyromaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon