40th Chapter: Hints

143 4 0
                                    

40th Chapter

Zed Gabriel

I don't know what to do anymore. Sa sinabi niyang yun. Nawala muli ang plano at direksyon na binuo ko. Hindi ako mapakali, I feel so anxious now that I can't decide. Paano ba 'to?

"Are you sure you won't sleep? Dapat nga magpahinga ka." ayan nakasimangot nanaman siya,

Pucha ba't parang natutuwa pa ko? Tangina ka talaga, Zed.

"Matulog ka lang diyan. Makakapahinga naman ako kahit naka-upo." sagot ko habang di mapigilang hindi ngumisi,

Damn he's cute! Lakas talaga ng tama ko sa lalaking 'to. Ibang klase.

"Anong oras duty mo?" bigla kong natanong,

"Off ko bukas pero magrelieve ako ng ilang oras mga alas dos. Bakit?" sagot niya saka hinila pataas ang comforter pero nakasandal parin siya sa headboard ng kama niya,

Napatingin ako sa orasan niya sa kwarto. That's five hours from now? Ang hirap talaga ng duty ng mga residenteng doktor. Lahat ng pinipili niyang karera mahirap, actually.

"Kung ganun. Matulog ka na. Kailangan mong bumawi ng tulog."

"Aalis ka ba? May lakad ka?" Hindi ko gusto ang tono ng boses niya, may halo iyong takot, takot na mawala ako. At di ko yun gusto.

"Dito lang ako. Pag gising mo, nandito parin ako. Sige na. Sleep tight, Everest."

Hindi ko alam kung anong oras siya nakatulog. Pinagmasdan ko lang siya buong gabi at iyon na ata ang pinakamapayapa kong gabi sa loob ng halos limang taon.

Tingin ko ay nakatulog ako ng ilang minuto. Nagising lang ako nang makaramdam ako na may papasok sa kwarto ni Ev. Muli ay napacheck ako sa oras. Magigising na rin naman siya, dalawang oras na lang at alas dos na.

So I left his room quickly. Hindi ako dumaan sa pinto, kundi sa balcony niya. Medyo masama parin ang pakiramdam ko kaya hindi masyadong maganda ang naging bagsak ko.

"Aray ko puta." Daing ko sabay hawak sa likod, tumayo na ko mula sa damuhan at saka mabagal na naglakad paalis nang biglang nagsitaasan ang balahibo ko.

"Nice house." mula sa madilim na bahagi ng likuran ng bahay nila Ev ay lumabas doon ang nakatatanda kong kapatid. Wearing his usual all black attire and gloomy expression, Saab, is definitely giving me that unhappy and grudging aura.

"Mayaman eh. Kanina ka pa dyan?" mapanimbang kong sagot

"Kanina pa. Hinihintay ko lang na bumaba ka, natagalan ka ata?" may halong malisya ang saad niyang iyon,

Hindi ako sumagot, sa halip ay tinapatan ko ang pagiging seryoso niya.

"Akala ko ba...wala kang balak na balikan siya? Does your hunger for his flesh...becoming too much that you can no longer take it? Are you going to devour him now, Svasr?" naglalaro ang tono niya, na parang inaakit ako sa mga makamundong bagay na alam niyang hindi ko dapat gawin o kahit isipin manlang.

"Are you hungry, Erinys?" galit na ang boses ni Saab, "Why don't you feed on him, now?"

"Stop." tanging sabi ko pero hindi natinag si Saab.

"Huwag mo siyang paasahin sa bagay na alam mo sa sarili mo na hindi mo kayang ibigay."

"I've laid your options before, and those options remained the same. Stay and let him suffer with you or walk away now and suffer alone."

"Nag-iba ba ang desisyon mo?"

Hindi ako makasagot. Dahil nawawala ako. Nawala ang direksyon ko.

"Ano? May bago na bang myembro ang pamilya natin? Should I have his name tattooed on my back the way it was in your heart."

PyromaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon