9th Chapter
Mercedes Ian Irving
Nagising ako ng masama ang pakiramdam, I’m sweating and my eyes are burning lalo na ang kaliwang mata ko. Kaagad akong bumangon para magbanyo, naghilamos agad ako at tinignan sa salamin ang mga mata ko.
“Tss, uso na ba sore eyes? Tag-init kasi e.” namumula ang kaliwang mata ko parang mahapdi at makirot kaya naghimalos pa ko ulit bago tuluyang maligo.
Pagbaba ko ay ako lang mag-isa ang nag-almusal, Gabby’s still asleep and we didn’t bother her since she’s required to have a full rest, di ko nga alam kung anong oras siya umuwi kagabi eh.
Habang nag-aalmusal ay nagchat ako kay Tatay, just a simple good morning message, for sure, ang dami niyang ginagawa niyan, di kasi siya nagrereply agad.
Froilan personally drove me to school, and I can’t help but notice his frequent glance on my way as he drive. Alam ko rin naman kung bakit dahil maski ako ramdam kong wala ako sa mood ngayon, not only because of what happened last night, nakadagdag pa ‘tong pagsakit ng mata ko.
“Are you okay Zedie?” he finally asked,
“Hmmm. Masakit lang ang mata ko, uso na ba sore eyes?” tanong ko at chineck ulit ang mata ko, namula ata lalo?
“Baka uso na nga.” Sabi nito ng dahan dahan, “Wear this. Kay Ian yan.” Inabutan niya ko ng simpleng RayBan’s na itim.
“Gusto mo bang dumaan tayo kay Cece ng mapacheck?”
“Hindi na Froi, punta na lang akong clinic mamaya.” Napanguso lang ito at tumango, he’s so OA minsan parang si Tatay, proxy nga siya lagi kapag wala dito yun eh.
Everytime Tatay’s not around he would always leave Froilan with us, si Rite at Oz ang lagi niyang kasama abroad. Ang alam ko ay matagal ng kasama ng Tatay si Froilan, at ang alam ko rin ay di lang kami ang pinagtatrabahuan ni Froi dahil tuwing nandito naman sa bansa si Tatay ay umaalis na si Froi, saying that he needs to be somewhere. Now it made me wonder kung saan pa siya nagtatrabaho.
Napasulyap ako sa kanya, his hair is neatly comb to one side, he’s good looking actually at laging seryoso ang mukha nito, singkit rin ang mga mata ni Froi, katamtaman ang laki ng pangangatawan at mataas ang tindig. Sometimes, when I look at him, he reminds me the era on where elites have butlers dahil sa madalas niyang kasuotan. He’s kinda weird, lalo na’t madalas kong makita niyang gamitin ay yung watch na may chain imbes na dun sa normal na relos.
He’s like a man from a different time. Yung tipong nalipasan na ng panahon pero nandito parin…
“Do you have a family Froi?” I asked out of nowhere,
“Family?” balik nito sakin,
“Family. Asawa, anak, magulang?” paglilinaw ko,
“Ahhh. Wala, matagal ng pumanaw ang mga magulang ko.” Sagot nito ng may ngiti.
Ang lungkot naman nun…
“Eh asawa? Ayaw mo bang magkapamilya?”
Lumingon ito sakin, nakabakas parin sa mga labi nito ang pagngiti. “May mga taong nabuhay para manilbihan lamang Zed, at isa ako sa mga iyon. Walang puwang sa aking buhay ang maghanap ng kapareha pagka’t ang mga panahon ko ay para lamang sa pamilyang pinangangalagaan ko.”
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ang ibig sabihin ba niya’y igugugol lang niya ang oras niya samin? Ganun ba siya kadedicated sa pagtatrabaho? Parang di naman ata tama?
“Hindi lang ang pamilya niyo ang sinisilbihan ko Zed. Kaibigan ko si Ian, nandito ako para asikasuhin kayo tuwing wala siya. Ang pamilyang nagmamay-ari sakin ay iba, sila ang buhay ko. Kaya masasabi ko na rin siguro na sila ang pamilya ko.”
BINABASA MO ANG
Pyromania
RomancePYROMANIA py·ro·ma·nia\ˌpī-rō-ˈmā-nē-ə, -nyə\ noun : an irresistible impulse to start fires _________________________________________ Mercedes Irving has always been a good daughter, sister, friend and an outstanding student. Lahat na iyan ay pinagh...