12th Chapter
Mercedes Ian Irving
‘Nasa school na ko. Nagpapahinga ka ba?’ he texted.
‘Oo nagpapahinga ako. Mag-aral ka lang dyan.’ Reply ko.
‘Psh. So cold! Ayaw mo ba kong katext?’
“Tsk. Ano cold dun?!” bubod ko at saka bumangon para sumandal sa headboard ng kama.
‘Gusto kitang katext. Di pa ba nag-i-start ang klase mo?’ pasimpleng segway ko pa.
Naghintay ako ng reply. “Nabadtrip ba agad?” tanong ko sa sarili nang makitang hindi ito nagrereply.
Psh. Matampuhin ka pala Henares. I smiled to myself, can’t stop feeling giddy as I remember his hot and shy kisses. Who would have thought that a guy like him has an impulsive side?
Kinulit ko siya ulit sa text habang nakahilig parin sa kama.
“Zedie! Oh my god Zed!!!” tili ni Gabby nang pumasok sa kwarto ko. Sa gulat ko ay di ko napigilan ang pagsimangot sa kanya.
“Gab. Ba’t ka ba sumisigaw?”
Nakauniporme ito at may dalang box. She looks frightened.
“She’s crazy Zed! Look oh!” binaba niya ang box sa kama ko. Sinilip ko iyon.
It’s a pink hair clip. A broken hairclip. Nagtataka akong tumingin sa kanya.
“Ito yung regalo sakin ni Harry noon, nung bata pa tayo Zed. Nawala ito nung camping natin sa school!”
Hindi ko parin ma-gets. Mas lalong nafrustrate si Gabby sa kawalan ng reaksyon ko.
“Ano ba Mercedes! Ito yung hairclip na pinag-awayan namin ni Heather! Tignan mo! Bakit niya pinadala sakin yan?! Bakit nasa kanya parin yan?!”
“Okay. Relax. Ano ba sa tingin mo ang gusto ni Heather sayo?”
“Ewan ko! Pero nakakabother yung ganito Zed. Without Zeivin around? I honestly feel scared. And Zedie, araw araw nasa café si Heather.”
Doon na napakunot ang noo ko. Gabriella looks so scared and it made me angry and protective.
“Alright. Pupunta ako sa café mo bukas if she’s there kakausapin ko siya.”
“No! Pano kung may gawin siya sayo!”
“Then we’ll have a reason to strike back. We’ll find out what she wants, okay?”
Gabby pouted pero sumangayon naman ito. Humiga siya sa tabi ko at nagkumot.
“Your eyepatch looks badass Zedie. You look astig.” She commented.
“It doesn’t feel astig. It’s bothersome.”
I kept texting Ev pero hindi na talaga sumagot. I even called pero nirereject niya ang tawag ko. Tatanungin ko sana si Gab pero pagtingin ko ay tulog na ito.
“Mercedes. Can we talk?” I heard Tatay’s voice outside my room.
Agad akong bumangon at dinala na rin ang kahon na pinakita ni Gab. Paglabas ko ay nakatayo doon si Tatay, he’s wearing a plain black shirt and his old levi’s.
“Have you seen this?” yun agad ang tanong ko,
“Yes sweetie. Don’t worry pinababantayan ko naman si Gabriella.” Paninigurado nito, he smiled weakly at me before showing his right hand, may hawak itong envelope.
Inaya niya ko sa study room kung saan siya madalas magtrabaho. Malaki ang study room ng aming bahay dahil sa floor to ceiling na mga bookshelf at mga gamit na pang opisina tulad ng black wood na desk ni Tatay at ilang personal computers.
BINABASA MO ANG
Pyromania
RomancePYROMANIA py·ro·ma·nia\ˌpī-rō-ˈmā-nē-ə, -nyə\ noun : an irresistible impulse to start fires _________________________________________ Mercedes Irving has always been a good daughter, sister, friend and an outstanding student. Lahat na iyan ay pinagh...