47th Chapter
Zed Gabriel
I woke up twice. And when I saw him sleeping beside me, my eyes gave in to slumber again feeling only the comfort and warmth of his embrace.
Which I don't deserve. My skin is already prickling in anxiety.
"Zed." he called, alam nitong gising na ko. But I refuse to open my eyes. Bukod sa ayaw ko pang bumangon. Nag-aalangan rin akong makita niya sa liwanag ang mga mata ko.
I don't know how he will react upon seeing this devil eyes.
Tinawag niya ko sa pangalawang beses.
"O..." sagot ko, nakapikit parin.
"I need to change my wound dressings." he whispered, his voice sounding a bit strained.
Napadilat ako at mabilis na bumangon. Tumalikod ako agad sa kanya para hanapin ang iniwan na gamit ni Maya para sa sugat ni Everest. Natagpuan ko iyon sa tabi lang mismo ng kama.
Kinuha ko iyon saka siya binalikan sa kama. Nakasandal na si Everest sa headboard.
He just removed his shirt.
Ponieta. Muntik ko nang mabitawan yung basin at med kit. Pambihira naman kasi yung lintik na abs na yan. Jusko. Ukit na ukit ah?
Nag-iwas ako ng tingin nang iabot ko iyon sa kanya. Then I realized. Of course I have to help him hindi niya kayang palitan iyon mag-isa.
"Tulungan na kita." sabi ko, nananatiling nasa baba ang tingin ko. Iniiwasang magkatagpo kami ng mata.
"Alam mo kung paano?" he asked,
Nagkibit balikat ako. "Hindi gaano. I don't dress my wounds before."
Usually, si Wentworth ang nagbebenda sakin o di kaya si Ballisti but only if I'm bleeding to death kapag normal na hiwa o saksak? Tsk. I just suck it up and pray it won't kill me.
"Pwede mo namang ituro sakin kung paano or we can just call Maya." suhestyon ko pero tumanggi siya. Siya na mismo ang nagpalit ng benda niya, tumulong lang ako sa pag-iikot nun at paglalagay ng gamot.
"Bakit ka nagdoktor?" tanong ko, I can't remember if I asked him this already.
"It's a permanent career." he answered,
Umiling ako sa kanya. Hindi tinatanggap ang sagot na yun.
"Was it your family? Nung nainjured ka sinabi ba nilang magmed school ka?" hinala ko,
"No. The injury was only for show, Mercedes. Hindi iyon ganun kalala para huminto ako sa paglalaro." aniya, "Medschool was my choice. Leaving my career was my choice."
"Pero hindi ba pangarap mo yun? Basketball has been your life. How can you just leave it?"
He stared at me before letting out a sigh.
"I fell into mental despair for months without me knowing. How can I go on with that career knowing it's one of the reasons why I held back causing me to lose you?"
Napasimangot ako doon. I don't like his answer. Dahil hindi iyon ang gusto kong mangyare sa kanya. Gusto kong maabot niya ang mga pangarap niya, I want him to live the life he worked so hard to achieve.
"You are my very air, Zed. Your absence brought back the suffocating life I've escaped with you." Sabi nito habang nakatingin mga kamay ko na hawak niya, inangat niya iyon at nilapit sa kanyang mga labi. "But I'm okay now. Nandito ka na ulit."
My gaze at him didn't soften one bit. Because I'm mad. Mad as hell.
"Nakausap mo na ba ang pamilya mo?" tanong ko, "Hindi ka ba hinahanap?"
BINABASA MO ANG
Pyromania
RomancePYROMANIA py·ro·ma·nia\ˌpī-rō-ˈmā-nē-ə, -nyə\ noun : an irresistible impulse to start fires _________________________________________ Mercedes Irving has always been a good daughter, sister, friend and an outstanding student. Lahat na iyan ay pinagh...