43rd Chapter
Zed Gabriel
I'm getting weaker in each passing day, thanks to withdrawal syndrome. Ilang buwan na rin kasi ang nakalipas matapos ang huli, hindi sanay ang katawan ko sa normal. Lalo na't nandito pa lagi si Everest sa bahay pag umaga dahil panggabi ang shift niya, he always make sure that I won't go near to any medicine. Lintik. pati nga Katinko pinagbabawal ni Henares.
And speaking of Everest...
He's now curious more than ever it scares me a bit. Paano kaya ang magiging reaksyon niya pag alam na niya ang lahat? Tsk. Bahala na.
Ngayon ay abala ako sa pagkocompute ng mga resibo mula sa construction ng mga bahay. Kailangan kong malaman kung may pera pa para sa buwan na ito. Panibagong pagbabudget nanaman kasi ang gagawin ko.
"Negative." bulong ko, sumasakit ang ulo dahil sa laki din ng nawala sa pagkakasunog ng bahay ni Felipe.
"Apat na milyon ang nawala, Erinys." sabi ni Jeptha,
"Kikitain parin yan, Jepoy. Huwag mong paghinayangan." komento ni Pan,
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Masyadong maliit ang apat na milyon para sa buhay nila, Pan. Iyon ang itinaya nila nang manggulo sila rito." Aniya,
"I'll let it pass, Jeptha. But just this once. Kapag naulit pa ito. I'll have their heads."
Nagulat ang dalawa sa sinabi ko ngunit di naman nagkomento. They're so used to my barbaric and impulsive side that they're no longer consider that I could sometimes be forgiving.
Nagpatuloy kami sa ginagawa. Jeptha gave me a report about Black Job Institute, ang guild ng pamilya Gabriel kung saan kami nakikibahagi nila Jeptha at ng mga alaga ko. Jeptha is my right hand outside Valuarte, he transacts on my behalf, discreetly. Habang sa loob ng Valuarte naman ay sina Johanna at Ballisti. Patapos na namin ang pagkakalkula nang biglang dumating si Pyre galing eskwela. Mukha itong masaya, habang tumatagal ay nagmumukha na itong normal na estudyante. Malayo sa astang kriminal na dala ko noon.
"Zed! Pwede ba kong magsleepover kina Naomi mamaya? Kasama namin si Aki."
Hindi ako nakasagot agad. She's not allowed to be anywhere out of my sight unless she's with Brim. Kaya nag-iisip pa ako kung papayagan ko siya.
"Hindi pa kasi ako nakakaranas nun eh pero kung di pwede, ayos lang naman." bahagyang ngiti nito.
Tsk. Tonong nangongonsensya pa.
Lumingon ako kay Jeptha habang napapabuntong hininga.
"Pasamahan mo 'to. Bantay sarado. Kapag tumakas lumpuhin mo."
"Zed naman eh! Kakainis 'to!" angal niya habang nangingiti. Umirap ako, taliwas ito sa dapat kong gawin pero hindi ko magawang hindian siya. This is the first time she experienced this. Having real friends. Normal ones. Pinagmasdan ko ang inosenteng tawa ni Pyre, malaki na nga ang pinagbago niya. She's no longer that vicious girl. No longer that grudgy Pyre which is refreshing to see. This is a good start for her.
"Salamat Zed! Pramis magpapakabait ako!" tuwang tuwa niyang sabi bago umalis.
"Seryoso ba iyon, Erinys? Hahayaan mo si Pyre?" alangang tanong ni Pan,
"Oo." tango ko, "Maghanda kayo. Magbabantay kayo ngayong gabi."
Tumawag sakin si Everest alas nuebe nang umaga, kakatapos lang ng night duty niya at gusto niyang dumiretso dito. Pumayag ako, di ko naman inaasahan na sa pagpunta niya ay ang pagdating naman ni Brim at ng Ama nito. Pumunta sila para ibalita sakin ang katahimikan ng grupo nila Chuck at iba pang dapat naming pag-usapan.
BINABASA MO ANG
Pyromania
RomancePYROMANIA py·ro·ma·nia\ˌpī-rō-ˈmā-nē-ə, -nyə\ noun : an irresistible impulse to start fires _________________________________________ Mercedes Irving has always been a good daughter, sister, friend and an outstanding student. Lahat na iyan ay pinagh...