52nd Chapter
Zed Gabriel
Saab is still looking at me weirdly, kanina pa siya ganyan habang tinatawagan ko si Everest gamit ang bago kong bili na cellphone.
"Anong problema mo?" Puna ko,
"You bought a phone just to check on him?" he asked,
"Oo, bakit?"
At eto nga di pa sumasagot. So I sent him a text message saying it's me.
"You love him too much." tonong nagtatampong sabi ni Saab, gusto kong umirap ng apat na raang beses.
"Nasa Siargao siya. Di ko alam kung napano na yun or what. Do you expect me to be as concerned to you brother?"
Sinamaan ako ng tingin ni Kuyaaaa. Pota naman. Lahat ata sila seloso. Lalo na 'tong panganay.
"Are you not?"
Aba! Gusto pala!
"I am concerned about you but not in a mortal way. Kahit sino kaya mong tirisin etong si Henares mawala lang ako sa paningin ngumangawa na."
Di na siya nagkomento matapos nun at inakbayan na lang ako habang naglalakad papasok ng mansyon. Nakatutok parin ako sa cellphone habang kinakausap ako ni Kai, siya ang babantayan ko ngayon para sumundo.
He's not as needy as Seth so di ako mahihirapan.
"Gusto ko din ng kambal. Paano ba magkakambal?" tanong ni Ran kay Kai habang karga-karga si Azarel.
"Di ko alam. Di naman ako gumawa nito." Sagot ni Kai,
Napailing si Saab sa dalawa.
"Why don't you ask Sage and Ash?" suhestyon ni Saab saka kinuha si Asher kay Kai,
Tinalikuran ko na sila bago pa maging mas weird ang usapan. I was about to go upstairs when Saab called my name.
"Kaarawan mo na sa ikalawang linggo, Mercedes."
"Ah." lutang kong sagot, agad na nagsisamaan ang tingin nila.
"Tsk. Ano ba gusto niyong mangyare sa birthday ko?" sarkastiko kong tanong, just to amuse my annoying siblings.
"Imbitahan mo ang pamilya ni Everest dito. Simpleng hapunan lang." sabi ni Kai,
"Psh. Pinalayas si Everest sa bahay nila kaya paano mangyayare yan."
"Hindi ba't ang Ina lang niya ang may ayaw sayo? Pati ba ang mga kapatid niya?"
Napairap ako. Napakamabusisi naman!
"Sige ipapaalam ko kay Everest."
Tsk. Kaya kailangan ko na talaga siyang makausap. Lalo na't di ko maalis 'tong kakaiba kong nararamdaman. Napapahawak ako sa batok ko. Parang kinakabahan at di malaman kung bakit hindi ako komportable.
"By the way. Nice ring, Zedie." bati pa ni Kai, lahat sila nakatingin sakin.
Mas lalo akong napairap. Bakit ba sakin sila laging nakatutok? Wala ba silang sariling buhay?
Gabi na at hindi parin sumasagot si Everest. Hindi na ko natutuwa at masama na talaga ang kutob ko. I know I'm just overreacting dahil kasama niya si Sybil pero di ko maiwasang hindi mag-isip.
"You hit your head?" tanong ni Kai,
Papunta kami ngayon sa building ng Black, babyahe ng ilang oras para sa susunduin ni Kai. Medyo espesyal sabi niya. Dating kaaway daw ng mga Dela Reseo kaya excited tong isa.
"Ah. Kanina tumama nga sa semento dahil sa tukmol na yun."
"Seth was pretty mad, huh."
"Tsk. Kailan ba hindi galit yun?" sagot ko, sinuri pa nito ang ulo ko bago kami bumaba ng sasakyan at umakyat sa rooftop ng Black.
BINABASA MO ANG
Pyromania
RomancePYROMANIA py·ro·ma·nia\ˌpī-rō-ˈmā-nē-ə, -nyə\ noun : an irresistible impulse to start fires _________________________________________ Mercedes Irving has always been a good daughter, sister, friend and an outstanding student. Lahat na iyan ay pinagh...