11th Chapter
Mercedes Ian Irving
I woke up at 3:35 AM, para kong zombie na nagbanyo, naghilamos at nagtoothbrush. Nakajogging pants pa ko na may katerno na hoodie nang lumabas ako ng bahay, halos pikit pa ang mata ko at masakit pa yun. Nagtext na ko kay Tatay tungkol sa breakfast namin ni Everest kagabi palang, pero nagtext parin ako ulit ngayon para lang updated siya.
“Ma’am? Saan po kayo pupunta?” tanong sakin ng isa naming security, itinaas ko ang hoodie ko at pinasok ang kamay sa bulsang hoodie.
“Magjogging ako Kuya, dala ko naman ‘tong phone ko i-track mo na lang ako. Di naman ako lalayo.” Napahikab ako, may sasabihin pa sana siya ng biglang dumating si Froi, naka-ducati ito.
“Zedie? San ang lakad mo?” tanong nito at bumaba sa motor niya,
“Morning Froi, magjogging ako. Tas breakfast kami ni Everest.” Grabe, inaantok pa ko at ang lamig!
Natawa si Froi sa itsura ko at pinat ang ulo ko. “Sige, mag-iingat ka, tumawag ka sakin kung magpapasundo ka at itext mo ang Tatay mo.” Bilin niya, tumango lang ako at nagsimula ng magjogging hanggang sa intersection, sa intersection na yun ay apat ang destinasyon, sa kanan ay papunta samin, sa kaliwa ay sa TCU at sa pinaka-city, tas sa norte naman ay kila Everest, yung huling daan ay parang palabas na ng Maynila pagdineretso.
Antok na antok pa ko pero pinilit kong magjogging, excited rin kasi akong makita si Everest. Ilang minuto pa ay nakarating ako ng intersection, medyo madilim pa.
He’s there already. Nakatayo ito roon malapit sa traffic light, he’s wearing an acid washed pants na ripped sa isang tuhod, may nakasabit na gym bag sa balikat, nakablack and white striped shirt siya at denim jacket. He’s wearing his black cap again.
“Psh. He’s so cute.” Tumawid ako ng pedestrian lane, abala parin si Everest sa phone niya habang papalapit ako ay pansin kong panay ang kunot niya ng noo. Maybe he’s contacting me, kanina ko panararamdaman ang ibang vibration sa phone ko eh.
“Ang aga-aga nakasimangot ka.” Tawa ko, agad nitong hinanap kung sino ang nagsalita.
“Kanina pa kita tinatawagan.” Pagsusungit niya, mas lumawak ang ngisi ko.
Napahikab ako ulit at pumikit saglit, ang sakit kasi ng mata ko talaga, ang hapdi!
“Inaantok ka pa. Iuwi na kaya kita senyo?” dumilat ako at umiling sa kanya,
“Feed me para di ako makatulog, come on.” Inalis ko ang isang kamay ko sa bulsa ng hoddie at inalok sa kanya, napakagat siya sa labi at nagpipigil ng ngiti na inabot iyon at hinalikan.
“You look cute kapag inaantok.” Tawa niya at hinila ako palapit para akbayan.
“Kapag gising?” tanong ko,
“Uhm. Sexy?” tawa nito, napatingala ako sa kanya para tignan ang itsura niya. Nakangiti ito na parang natatawa sa sariling sagot. Napailing lang ako sa kanya,
“Saan tayo kakain?” tanong ko, naglalakad na kami sa sidewalk papunta sa TCU, nalagpsan na nga namin yung Starbucks eh.
“Gray Skyway? Masarap ang pancakes dun.” Tumango ako at hinayaan siyang dalin ako dun,
Para kaming ewan kung maglakad sa sidewalk, panay kasi ang pangungulit niya at naninibago ako. I didn’t know Everest is kinda childish…
“Bagay sayo ang hoodie.” Tawa niya at hinila pataas sa ulo ang hoodie, tiningala ko siya kahit na medyo mahirap dahil nakaakbay siya sakin.
BINABASA MO ANG
Pyromania
RomancePYROMANIA py·ro·ma·nia\ˌpī-rō-ˈmā-nē-ə, -nyə\ noun : an irresistible impulse to start fires _________________________________________ Mercedes Irving has always been a good daughter, sister, friend and an outstanding student. Lahat na iyan ay pinagh...