Chapter 19
Mercedes Ian Irving
My eye condition is starting to become a nuisance in my daily activities. I couldn't read my books for too long, couldn't play the way I used to, and worse of all. I look like a freak. Wala ako sa mood habang ineexplain sakin ng bago kong doktor ang tungkol sa medication nito. Tatay is very attentive as usual while I couldn't even comprehend whatever the doctor is saying.
Tamad akong napasandal sa silya. I feel sick, not feverish sick but sick na walang gana sa pagkilos. I don't even want to speak. Matapos ang halos kalahating oras na pag-uusap lumabas na kami ng clinic, nauna akong lumakad para makita na si Everest na naghihintay sa labas. I really feel restless tuwing ganitong hindi ko siya nakikita dahil sa training niya ng tatlong araw sa Spain.
Nang nasa labas na ay naabutan ko siyang may kalong na bata. Kagat-kagat ng bata ang cap ni Everest habang tuwang-tuwa. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Ev at dun sa baby na buhat niya, nakaramdam ako ng simpatya nang titigan ko ito. Her eyes. Are like mine...
"Kakadating mo lang?" tanong ko kay Everest, mababa at seryoso ang boses ko, dala ng kawalan ng gana. Lumilipat ang tingin ko kay Everest at sa baby na kagat kagat ang cap ni Ev. Lumapit ako at marahang inalis iyon sa bibig ng bata.
"Medyo. How's your check up?" tumayo si Everest, buhat parin nito ang baby. Then, a woman caught my attention, sa kanya nabaling ang titig ko. She's very beautiful, maliit lang ito na siguro'y nasa 5'4, her hazel eyes makes her look innocent and her doll-ish facial features. Tumayo ito at kinuha ang bata kay Everest. Napakurap ako nang mapagtantong kausap ko pala si Ev.
"I'm all good, soon enough magiging okay din to. I'm scheduled for a procedure too para bumalik na sa dati." I said, feeling her stares making me wonder why I feel this irresistable pull towards these two strangers.
"Anong ginawa mo sa training?" tanong ko kay Ev, naglalakad kami parehas papunta sa condo niya. Hindi ako pumasok dahil wala nga akong gana at saka namiss ko siya masyado.
"The usual. Practice game, evaluation, the likes. You?" baling niya sakin,
"I slept a lot. And eat a lot these past few days. Feeling ko nga di na kasya sakin yung dress ko for the charity ball this weekend." I pouted at that thought, I really am eating a lot but I don't seem to gain anything. Mas lalo pa ngang bumaba ang timbang ko.
"Speaking of this weekend. I'll pick you up after the ball?" he asked, tumango ako at ngumiti sa kanya. Excited sa plano namin. After kasi ng ball, aalis lang kami ni Ev saglit and then sasama ako kay Tatay at Gabby papuntang Aspen I'll spend 3 days there saka palang ako uuwi habang sila ay maiiwan dun panandalian hangga't di pa naayos ang kaguluhan sa panig namin at nila Heather. And speaking of Heather, I haven't heard anything from her yet.
"And you will be gone for days. Uuwi muna siguro ko sa bahay, boring mag-isa sa condo." he sulked like a kid, umikot kami sa area para maghanap ng pasalubong para kay Brooke mamaya pagdumaan kami sa kanila.
"She likes unicorns, right?" tanong ko, tumango si Ev habang tumitingin sa part na puro teddy bears.
Humiwalay ako sa kanya. Nasasanay na rin ako sa mga tingin sakin ng ibang tao tuwing lumalabas kami ni Everest. Some stares at me with sympathy in their eyes, some, would smirk and whisper to each other like I'm a total freak so I kept my eye patch in public kaysa sa makita pa nila ang kakaibang kulay nito. Habang nagiikot, isang malaking stuff toy ang umagaw sa pansin ko. Siguro'y mga nasa 4ft iyon at kulay red na may sungay, sa tabi naman nun ay kulay puti na may pakpak at halo.
Napangiti ako at naalala ang pagiging madalas na beastmode ni Everest tuwing nasa school kami at nakakasalubong si Rax. I shouldn't find it funny but it is, lalo na't may pagkaisip bata kung minsan si Rax at Everest, they would banter nonstop until may mapikon sa kanila.
BINABASA MO ANG
Pyromania
RomancePYROMANIA py·ro·ma·nia\ˌpī-rō-ˈmā-nē-ə, -nyə\ noun : an irresistible impulse to start fires _________________________________________ Mercedes Irving has always been a good daughter, sister, friend and an outstanding student. Lahat na iyan ay pinagh...