6th Chapter: Like

149 6 0
                                    

6th Chapter

Mercedes Ian Irving

"This is too much Gab." I complained, pero matuloy parin siya sa pag labas ng paper bag mula sa sasakyan niya.

"Mercedes, marami kayo magpapagod ngayong araw. It's just cupcakes and cookies, snacks lang 'to." I'm still wearing my sweaty shirt, kakatapos lang ng patayang training, may vacant hours ako after nito, I will meet up with Brylle para icheck yung mga tarp at posters. Buti na lang talaga at okay na kami ni Rax dahil siya na ang nag-asikaso ng kailangan sa concert pati na yung sa mga banda na magpeperform.

"Fine. Thanks Gabby, nga pala, nasabi na ba sayo ni Tatay? Mamaya aalis tayo, samahan mo ko sa MOA." Bigla siyang nagtatalon sa sinabi ko.

"Yes! I invited my friends! It's an outdoor gig kaya masaya yun! I'm so excited! I wanna watch you so bad! Pupunta rin si Ate, tatakas daw siya sa shift."

"Okay. Susunduin tayo ni Froilan mamaya dito, uwi tayo saglit tas diretso na tayo dun. Eto na ba lahat? Ang dami..."

"Yup. Iyan na yun, wag kang magpapagutom! Babalik na ko sa shop. Bye baby!" binitbit ko na ang kulay purple and white na paper bags, tig-anim na paperbags sa magkabilang kamay, magaan lang naman puro cookies at cupcakes lang naman to.

"OMY! Penge!" nasilapitan ang team ko sakin, si Valeen yung nagsalita.

Binaba ko ung paper bags at namili ng dadalin kila Brylle, iiwan ko dito yung iba. Binukod ko yung tatlong box ng assorted cupcakes na nasa paper bag, at apat na paper bags ng cookies, choco chip, butter coconut, red velvet crinkles, at snickerdoodles. Iniwan ko na kila Valeen yung natira.

"Samin na to? Ang dami!" tuwang tuwa na sabi ni Angel.

"Marami pa sa bahay, at dun sa shop. Magdadala ako bukas pag may time."

"Practice tayo mamayang 4:00PM, daanan lang natin yung routines." Sabi ni Maise,

"Sige, dalawa lang klase ko today kaya pwede." I checked the time, I need to rush. "Maise, iwan ko muna to dito, magbibihis lang ako." Tumakbo na ko paalis,

"Sure. Poprotektahan ko ang cookies mo! Di ko ipapakain sa iba!" sigaw niya, I rolled my eyes at her double meaning statement, at natawa na rin ng makitang namutla sila Chaz sa narinig. Then my eyes landed with Ev. Nakaupo lang siya sa bench, umiinom ng Gatorade. Nakaramdam siguro siyang may nakatingin sa kanya, lumingon ito sa side ko, meeting my gaze.

I remember his post with Yana. Bumalik ang sakit sa puso ko, it's like an ice cold knife stabbing my heart, mabagal ang pagkakasaksak at malalim. I cut my gaze, almost rudely at nagmadali papuntang locker room, nagshower ako agad pinipilit na wag isipin si Everest. Kung type niya si Yana edi siya na lang! Nakakainit siya ng ulo! Pinatay ko ang shower at nagtapis ng tuwalya. Nagbihis ako agad, faded ripped jumper shorts ang sinuot ko hindi naman maiksi, 3 inches above the knees pa nga, then a plain light yellow shirt panloob. Sa init ng araw mamaya sigurado papawisan ako ng husto, maganda na yung ganito para presko. Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang isa pang towel.

"Pwede na nga to." Nagsapatos na ko at nag-ayos ng locker. Brylle texted me already na papunta na sila. Nagpasundo ako dahil may dala akong gamit, pandagdag sa décor.

Isang paper bag ng bitbit ko pag labas ng locker, nandun kasi yung printed tickets na ibebenta mamaya. Di ko pa tapos gupitin yung iba.

"Chaz! Aalis ka na?" dala na niya kasi ang bag niya, pero nakajersey parin.

"Oo, dun na ko sa bahay nila Rax maligo. Nauna na rin si Rax, di ba nagtext sayo?"

"Nagtext naman. Okay naman ba? Last minute yung line up, di nagreklamo yung mga banda?" yun rin kasi ang pinag-aalala ko.

PyromaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon