20th Chapter: Wrath

105 3 0
                                    

20th Chapter

Mercedes Ian Irving

Nakatuon ang atensyon ko sa phone habang abala ang hairdresser sa pag-aayos ng buhok ko. I am patiently waiting for Ev's reply, kakadating lang niya galing airport, he was gone for days dahil sa game practice nito. We are okay but after that night naglie low muna ko sa kanya. Nag-isip isip sa mga nangyayare saming dalawa at sa huli, napagtantong baka tama nga siya. We've become too intimate, aggressive...and it's no longer healthy.

"Miss. Okay na po." ngiti sakin ng hairdresser.

Binaba ko na ang phone sa mesa at nilingon si Ate Cece. She looks so divine in her gown, lutang na lutang ang puti at pagka-amo ng mukha niya. Nakataas ang buhok nito at may naiwang iilang hibla ng buhok sa kanyang mukha. Dumapo ang mga mata ko sa kanyang leeg kung nasaan ang kwintas na bigay ni Tatay, hers is an emerald jewel habang ang akin ay sapphire. Pero di ko sinuot ang akin.

"Where's Tatay and Gabby?" I asked,

"Tatay's in his study room. Si Gab ay nasa chapel pa siguro kasama ang Tita Iris ni Zeivin. Susunod na lang siya satin." Sagot ni Ate saka ako tinignan mula ulo hanggang paa.

"You seem to glow, Zedie? Mukhang hiyang ka kay Everest ah?" She giggled habang ako ay pinamulahan ng mukha, iba ang nasa isip.

"Kaso mukhang si Everest napapabayaan niya yata ang sarili or is it part of his training? Kaya ba mukhang nababawasan ang timbang niya?"

I looked away. I pretended not to hear her question, hindi agad bumitaw ng tingin si Ate I can still feel her questioning eyes but when she hear no answer hindi na siya nagsalita. So hindi lang pala ako ang nakakapansin?

Dahil ba sa kakapuyat namin? Was it because of sex? Bakit ako mukhang malusog naman? Lumakas pa nga ako kumain lalo samantalang si Everest ay naging haggard at stressed? Hindi kaya dahil ako lang ang may gusto nun at siya ay napipilitan lang?

Hindi naalis ang kunot ng noo ko hanggang dumating si Tatay. Pinuna niya ang pagsimangot ko pero hindi ko iyon maalis lalo na't hindi ko pa nakikita si Gabriella mula kanin, I hate this feeling I get whenever I don't see her around, there is this tingling sensation on my spine making restless.

"Robert is with her, Mercedes. Pati na ang iba pang guards. Huwag ka ng mag-alala." Tatay said sharply dahil walang pagbabago sa itsura ko.

"Bakit hindi na natin siya daanan? Sabay sabay na tayong pumunta sa ball." suhestyon ko pa, Tatay almost glared at me.

"Your sister is grieving Mercedes. Give her that time, ilang araw na siyang nasasakal sayo at sakin. Bakit hindi mo siya bigyan ng panahong magluksa?"

"Zeivin is not dead! He is missing but not dead, malaki ang pinagkaiba nun. I understand that she's sad ang sakin lang naman dapat mas bantayan natin si Gabriella. Heather is not kidding with her threats! This is not like before!" bumilis ang paghinga ko sa galit, mas lalong tumalim ang tingin sakin ni Tatay.

"May hindi ka ba sinasabi sakin? Mercedes?" his voice is calm pero rinig ko na doon ang nagbabadyang galit.

I wanted to look away but I can't. Kaya nanindigan ako. I bit my tongue to stop myself for saying anything. And when I let go, nalasahan ko ang sariling dugo.

"Nothing." I said in finality,

Naging tahimik ako sa byahe. Ate Cece kept on glancing at me habang si Tatay ay may kausap sa phone, he too kept on throwing me glances that it's starting to annoy me. Lalo na't mababa ang tono niya sa kausap dahilan para hindi ko siya marinig ng maayos.

We arrived at this newly opened hotel   sa Manila. Alas Casino and Hotel screams elegance, luxury and sinful pleasures mula entrance palang. I loved how close the structure is with our Underworld, the theme is also gold, ash and dark accents tila salaming itim ang hagdanan patungo sa entrance na siyang mas kinamangha ko.

PyromaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon