18th Chapter
Mercedes Ian Irving
September 21. And I didn't sleep all night because of that! Sinong matinong boyfriend ang magsasabi na birthday niya kinabukasan matapos ang tatlong buwan naming pagdedate?! Di manlang ako binigyan ng time para magprepare.
"Should I call Froi?" Tatay asked habang inaabutan ako ng kape. Napahikab ako sa antok.
"Yes please. Are you sure it's okay na ipagpaalam mo si Everest sa parents niya, Tay?"
Napangisi si Tatay na parang nang-aasar.
"What choice do I have? I need to support my baby." He answered in a laughing tone,
"I love you. You know that right?" Paglalambing ko, tumango si Tatay at niyakap ako.
"I know sweetie. I love you, too." He whispered,
After making sure that everything's all good with Tatay's secretary nun palang ako medyo napanatag. Medyo. Medyo lang. Lalo na nang umalis kami ng bahay. How am I suppose to ask Everest's family? It's 3 in the morning at ipagpapaalam ko ang anak nilang lalaki na umalis ng bansa na halos 18hours ang byahe?
Kasalanan 'to ni Everest! Kung hindi niya ko pinagbantaan kagabi edi sana hindi ako napressure ng ganito!
'Make sure to surprise me on my birthday. Siguraduhin mong mas special kaysa nung birthday ni Rax!' Iyan ang bulyaw niya sakin sa phone bago kami matulog.
"Look at this Zedie! Regalo namin ni Ate kay Everest!" agaw atensyon na sabi ni Gabby sabay labas ng isang itim na box na halatang galing Underworld.
I opened the box at napangiti sa effort ng mga kapatid ko. It's a black leather bracelet with a gold elegant buckle na pa-rectangle. It's very simple but when I flipped the gold buckle...
"He's now family. The moment he made my baby sister smile that beautifully. Alam kong...pamilya na siya." Gabby said,
Napakagat ako sa labi ko, tinititigang mabuti ang simbolo na nakaukit sa bracelet ni Everest.
It's our family crest. The vines that wrapped our last name made it look vintage since that has been the crest of the Irvings for so many generations.
"Thank you. Magugustuhan niya to sigurado."
Standing outside his house at an ungodly hour surely is a bad idea. Ang nagpapalakas lang sa loob ko ay si Tatay. Ako ang pumindot sa doorbell habang nasa tenga ko ang phone para tumawag kay Everest.
Ilang ring lang ay sumagot na ito.
"Late ka na." nahimigan ko agad ang pagtatampo niya. "Di ba dapat 12 midnight na sakto mo ko batiin?"
Wow. Haha. This man!
"Wag ka nang magtampo at labasin mo kami dito." natatawa kong sabi,
Natigilan siya at napamura. Maya maya lang ay lumalabas na ito mula sa bahay nila. Nakapajama na checkered at sweater na gray. Di ko na napigilan ang pagtawa ko ng makita ang bagong gising niyang itsura. Mamaga-maga pa ang mata niya!
"Happy Birthday Everest! Give me a hug!" bati agad ni Gabby at saka yumakap kay Everest. Nagpasalamat si Everest at saka binati si Tatay.
"Happy birthday, Ev." mahinhin na bati ni Ate Cece at yumakap din kay Ev. Ganun din si Tatay at tinapik ito sa balikat.
"Thank you, Mr. Irving." ngiti ni Ev kay Tatay bago lumingon sakin at sinamaan ako ng tingin.
"Call your Mom and Dad, baby. We have a tight schedule." binalingan niya ko ulit, nagtatanong ang mga mata nito. But I shake my head at him.
BINABASA MO ANG
Pyromania
RomancePYROMANIA py·ro·ma·nia\ˌpī-rō-ˈmā-nē-ə, -nyə\ noun : an irresistible impulse to start fires _________________________________________ Mercedes Irving has always been a good daughter, sister, friend and an outstanding student. Lahat na iyan ay pinagh...