53rd Chapter: Start

97 3 5
                                    

53rd Chapter

Zed Gabriel

Putangina. Di na yata mabubura sa isip ko yung nakita ko. Tangina? Naghahalikan sila? At tangina? Magkapatong pa?

"I don't know how you can manage to stay calm after that. Kung ako yun. Paghihiwa-hiwalayin ko ang katawan niya." komento ni Kai,

Tsk. Siya rin ang may kasalanan! Kundi niya nirekomenda na sa bintana kami dumaan edi sana di ko naabutan yun! Surprise surprise pa kasi. Ako tuloy ang nasurprise! Pambihirang buhay yan!

Binuga ko ang usok ng sigarilyo bago siya tignan ng masama. Agad na tinaas ni Kai ang dalawang kamay.

"Chill. It's not my fault that you chose a good looking man to fall in love with. Even I, know Everest is a fine looking man. Asahan mo ng maraming magkakagusto sa kanya."

"Alam ko yun. Pero di ko ineexpect na magiging ganun kaagresibo si Sybil."

"Well, they have a long history. Because it seems that she really knows how to move with him, huh?" he taunted,

Mas lalo sumabog ang nararamdaman ko. Pero kahit ganun, nanatili ako dito sa labas, naghihintay kay Everest habang pinapakalma ang dating nobya sa loob.

Kingina ka. Santo ka ba ha? Bakit di ka magalit Mercedes? Dahil ba takot ka kay Everest? Takot ka na pag nagalit ka, kay Sybil siya bumalik?

"Nakakagigil puta." bubod ko saka tinapon ang natitirang dulo ng sigarilyo bago magsindi ng panibago.

"Zed! Zed!"

Finally.

Lumabas na si Everest kasama ang kaibigan na si Tristan. Hinihingal pa si Tristan habang tinatawag ako habang si Everest naman ay seryoso masyado, parang kinakabahan at mukha ring irita na nakatingin sa sigarilyong hawak ko.

Tsk. Ayaw mo nito? Pwes hindi ko itatapon dahil galit na galit ako ngayon Everest! Masamang masama ang loob ko!

"Zed! Mali yung nakita mo! Kasama ako ni Everest sa kwarto! Magkatabi kami sa sahig! Lumabas lang ako para katukin ulit si Angela kasi ayoko matulog kami ni Ev--"

"Ayos ka lang ba?" putol ko kay Tristan habang nakatingin kay Everest.

My mind and heart is at war. Pure rage and jealousy is clouding my better self. Pero nang makita ko si Everest sa liwanag at ganito kalapit, bigla akong huminahon.

"Ako dapat ang magtanong sayo niyan." he said, looking even more tired.

I dropped the cigarette. Hating how tired and drunk he looks. Namumula siya at halos pasara na ang mata sa antok at pagod.

"May nangyare ba sainyo ngayong gabi?" I asked straight up.

Umigting ang panga niya. May bahid ng sakit ang tingin na pinupukol ngayon sakin.

"Wala." masamang masama ang loob niya habang sinasabi yun.

Nilipat ko ang tingin kay Tristan. Na ngayon ay parang gulat parin habang nakatingin sakin.

"Hindi mo na kailangan magpaliwanag. Sapat na sakin ang sagot ni Everest."

Hindi na natiis ni Everest at lumapit na ito sakin. He grabbed my good arm and pulled me away from my brother and Tristan. Agad na nanghina ang tuhod ko lalo na ng yakapin niya ko.

"I was calling you the whole time." he whispered,

"Ako rin. Iba na kasi ang gamit kong cellphone, nabasa yung una."

Humiwalay siya sakin pero nakayakap parin ang dalawang braso sa beywang ko. Sinuri nito ng tingin ang mukha ko pababa sa braso.

"You're not wearing your contact lenses. At bakit ka naka-arm sling? Nabalian ka ba?" alalang-alala siya,

PyromaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon