60th Chapter: Fire

46 1 1
                                    

60th Chapter

Pyre Barachael

Naghahanda ang lahat para sa kaarawan ni Zedie. Ito ata ang unang beses na gagawin namin ito kaya naman masaya ang lahat. Halos lahat ng kakilala ni Zed ay nandito, sila Tiago ang nagluluto at nandito ang mga kaklase namin para mag-ayos.

"Nao, kayo muna dito tatawagan ko lang kapatid ko." paalam ko sa kaibigan na abala sa pag aayos ng mahahabang mesa.

Noong una ay naiilang sila dahil sa mga tao dito pero ng lumaon ay napalagay naman ang loob ng kausapin ni Jeptha.

Si Aki at Naomi. Si Tiago at Moel. Napansin kong sila lang ang taga labas na walang takot na sumama samin dito. Di tulad nung iba. Naiintindihan ko naman dahil kung kilala mo talaga kami at si Zed, bakit ka nga naman sasama sa lungga ng mga mukhang demonyo?

Nag-ikot ikot ako sa lugar ng paggaganapan ng okasyon habang kinokontak ang kapatid ko. Kasama niya si Pan para pumunta sa Valuarte, susunduin nila ang ilang tao doon na tingin nami'y ikatutuwa ni Zedie na makita dito. Ngunit. Di pa ito sumasagot.

Nakunot ang noo ko sa inis. Ano mang oras ay dadating na si Zed!

"Hay nako Brim! Ang bagal bagal niyo!" iritado kong sabi at binaba na ang phone.

"Pyre. Kunin mo na yung regalo sa kwarto ng Erinys? Aayusin na daw ng mga kaklase mo." napapakamot ulong sabi ni Jeptha.

"Ah. Sige, aakyat na ko. Ikaw nga ang tumawag di ako sinasagot ni Brim."

Agad na napasimangot si Jeptha at kinuha ang telepono.

"Sige. Ako na."

Pumasok ako sa maliit na bahay namin ni Zed. Madilim ang bahay dahil abala ako sa labas at nakaligtaang buksan ang ilaw. Umakyat ako sa maiksi naming hagdan paakyat ng kwarto at halos mawalan ng lakas sa nakita.

"Fire. Fire. Fire..." bubod nito,

Nakayuko ang lalaki. Madilim ang itsura pero alam ko...kilala ko kung sino ito.

"The very first mortal who gave her heart back after rebirth..." patuloy nito,

Napaatras ako at nahulog sa hagdan ng tumayo ito mula sa kutson ni Zed. Naramdaman ko ang tigas ng sahig sa likod ko pero dali dali parin akong gumapang palayo.

Bakit siya nandito?

Paano siya nakawala kay Seth?

"Good timing that I get to see you first. I was just...looking for you."

Nanigas ang mga binti ko at dumapa para makagapang paalis ng tapakan nito ng likod ko.

"Nasaan siya? Kasama ba ang lalaking yun?"

May halong panghihina ang tono nito na para bang nasasaktan.

"Magsalita ka Pyre..."

Pero di ko kaya! Mas lalo niyang diniin ang pagtapak hanggang sa di ako makahinga. I panicked! Wildly!

Diniin niya ako sa sahig at wala akong magawa kundi ang humigop ng hangin, ilang segundo ang lumipas at para na kong malalagutan nang alisin niya iyon bigla.

"Mali. Masyadong malinis kung ganito." bulong niya,

Sumigaw ako ng hilahin niya ko sa paa saka kinaladkad papuntang kusina kung nasaan ang gasul. Binukas niya ang tangke at inalis iyon sa kalan. Sumingaw ang amoy nito at agad agad ay tinablan ako ng kakaibang takot.

"Fire. Hell needs fire." bubod nito sa sarili,

Wala akong magawa kundi ang manginig sa takot. Pinanood ko lang siya dahil tila naging bato ang mga tuhod ko.

PyromaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon