10th Chapter: Crush

116 7 0
                                    

10th Chapter

Mercedes Ian Irving

After that call, I fell asleep, nagising na lang ako dahil kay Nanang na kumakatok. Bumangon ako at nagbihis muna bago lumabas, just a plain black shirt at cotton shorts.

“Oh! Buti at lumabas ka na, kumain ka na Zed kanina pa kita ginigising malilipasan ka na ng gutom eh.” Umupo na ko sa stool ng kitchen counter,

“Ano gusto mong initin ko? May chopsuey tayo at beef stew.” Alok nito,

“Chicken nuggets po?” sinimangutan ako ni Nanang.

“Ay hinde! Magchopsuey at beef stew ka na lang, bilin ni Ian wag kayong pinapakain ng processed food!” napanguso ako kay Nanang, nagtatanong kung ano gusto ko pero siya rinnasusunod? Psh.

Ipinaghain ako nito at sinabayang kumain dahil alam niyang mas magana ako pag may kasabay.

“Nasabi ba ng Tatay mo kung bakit may nadagdag na security?” tanong ni Nanang,

Security? “Hindi po, kausap ko po si Tatay bago ako makatulog pero wala naman siyang nabanggit.” Napainom ako ng tubig dahil dun.

“Sampu ang dinagdag, at pinalitan ng codes ang buong bahay. Siguro’y naninigurado lang ang Tatay mo. Madalas kasi siyang wala rito kaya pinagiigihan ang seguridad.”

“Baka nga po.” But seriously? Sampu?

“Nga pala, kamusta ang mata mo? Hindi ba’t delikado yang nagdudugo?” kunot noong sabi nito,

“Ang sakit nga ho eh, para kong nahihilam na ewan pero binigyan na ko ng gamot.” Napapikit ako dahil para nga kong nahihilam,

“Naku! Mag-aalala ang Tatay mo! Alam mo naman yun!” napangiwi kami parehas, kilalang kilala kasi ni Nanang si Tatay, Papa Bear much.

Pagkakain ay humilata ako sa couch, gusto ko sanang magbasa kaso masakit ang mata ko. So I make calls instead, kinausap ko sila Brylle, Jervin at Orion about sa décor, nang magconfirm silang ayos na ay si Rax naman ang tinagawan ko para i-check yung line up ng banda.

“Hey. Where are you?” seryosong tanong nito,

“Nasa bahay, umuwi ako.”

“What?! Are you okay?! Pupuntahan kita!”

“I’m okay Rax. Tumawag ako para i-check kung okay na lahat?”

“Don’t worry about it, ako na bahala. Ikaw? Ba’t di mo sinabi saking may masakit sayo?”

“Di naman malala, masakit lang mata ko. Are you sure, okay na lahat? Naset-up na ba yung stage?”

“Di pa, nag-away pa kami ni Rome dahil hindi pa daw niya napapapirmahan yung reservation form. Nandito na yung magaassemble, pero wala pa si Rome.” Napabangon ako dun,

“What? Marami pang aayusin sa stage, gagabihin kayo pag di pa inassemble yan. Sige, ako na pupunta kay Rome.”

“Wag na, magpahinga ka na lang!” giit nito,

“I’ll be there in 10. Bye.” Pinatay ko na ang tawag at saka gumayak. Pag labas ko ng kwarto saktong pakatok sa kwarto ko si Gabby.

“Oh! Aalis ka?! Sabi ni Ate may sakit ka daw?!”

“Kailangan ako sa school, may problema sa event.”

“Hala! Yung mata mo Zedie!” sinuot ko ang shades ni Tatay para di na makita ni Gabby, sobra pa naman mag-alala ‘to kahit maliit na bagay.

PyromaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon