16th Chapter: A Touch of Sin

131 6 0
                                    

16th Chapter

Mercedes Ian Irving

Hindi ko alam kung paano ko nadala si Chole sa ospital. The last thing I remembered was pulling her out of the shower area and shouting for help.

"Sweetie? She'll be fine." pagkakalma sakin ni Tatay.

"Hindi na siya humihinga ng dumating ang ambulansya, Tay." inis kong sabi,

Natigilan si Tatay sa pagsagot ko. Pero nagtuloy ako. "Akala ko nga hindi na sila dadating. Napakawalang kwenta."

"Mercedes? Those people did their best to aid your friend. Hindi nila kasalanan ang nangyare." Striktong tono ang ginamit sakin ni Tatay.

Hindi ako kumibo. My temper messed my thinking. Tanging inis lang ang nararamdaman ko hindi ko makalimutan ang itsura ni Chole habang nakatingin sakin.

"Kung hindi mo ko inampon. Ako ang nasa kalagayan ni Chole ngayon. Bakit ganun? Bakit ganun nilikha ang tao? Iyon ba ang dahilan kung bakit may mataas at mababa? Mahirap at mayaman? Para tapakan ng nakakataas yung nasa baba? Bakit?"

I wanted to curse at them but I held back. Kulang ang mura sa ginawa nila.

"Kung ganung klase lang ng tao ang kahihinatnan nila, hindi ba't mainam kung mamatay na lang sila?"

"That's enough!" galit na pananaway ni Tatay, nagecho ang boses nito sa hallway ng ospital. But the shock from his face is what made me realize that I made a mistake.

"Wala kang karapatang manghatol ng kapwa mo Mercedes. Hindi ikaw ang tagahatol. Hindi ikaw ang Diyos."

'That's what makes them lucky. Dahil kung ako ang tagahatol, wala na sila ngayon.'

Matapos sa ER ay dinala si Chole sa ICU. She's in coma state dahil sa suffocation, hindi nagkaroon ng sapat na oxygen ang utak ni Chole at dahil dun ay hindi na siya nagkamalay. I wanted to stay pero hindi ako pinayagan ni Tatay. Mukha ring abala si Tatay dahil kanina pa siya may kausap sa phone niya.

Mabilis akong mainis. Mabilis rin akong magalit. Tila lahat ng pagtitimpi ko noon ay binalikan ako ngayon. Para bang lagi akong sasabog parati. Nilingon ko ang sarili ko sa repleksyon ng salamin na bintana sa waiting area. Madilim na sa labas at kitang kita ko roon ang sarili ko.

My black long wavy hair stands out. Makintab iyon at makapal, katulad ng sa babaeng iyon. Even my lips looks like hers...except my eyes, banyaga ang kanya habang ang akin ay normal na itim. Hindi ko makalimutan ang eksenang iyon sa panaginip ko, she drowned me, she killed me. Bakit? Para kong mababaliw sa pag-iisip kung bakit, wala rin namang sasagot dahil patay na siya. Wala na siya.

"Do you want to eat before we go home?" Tatay asked, nasa loob na kami ng sasakyan with Froilan as our driver.

"No. I just want to go home." wala sa mood kong sagot, Tatay pulled me closer, looking worried.

"Ayos lang ako, Tay. I'm just tired, this week has been hell. Ang dami masyadong nangyayare." reklamo ko,

"That's why you have to control your emotions even more, Mercedes. Wag mong kakalimutan ang mga pangaral ko sayo, anak. Temper is a dangerous thing, maraming masamang bagay ang pwedeng mangyare kapag hinayaan mong kontrolin ka nito."

I've kept that in mind, heart and soul simula ng magkaisip ako. But today is the day my temper wins. Wala ako sa wisyo para maging mapangunawa. Lalo na kung hindi naman dapat para sa mga katulad nilang hindi alam ang salitang patas.

"Where's Gabriella?" tanong ko pagdating na pagdating ko sa bahay.

"Nasa kwarto ng Ate Nerissa mo, Zed." Sagot ni Nanang.

PyromaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon